KABANATA 13

77 5 0
                                    


Kabanata 13                                                 

Doomed

PAGSAPIT ng Martes ay hinatid ako nina Tito Mier at Caryl kasama si Symon sa airport. Hinagkan ko ang anak ko at niyakap ng mahigpit.

"Mommy, will miss you, baby." Bulong ko at hinalikan siya sa ulo.

Ngumiti naman si Symon. I smiled back at him and kissed him on both of his cheeks.

"Sin, tumawag ka kung naroon ka na ha?" Ani Caryl.

Nakangiti naman akong tumango. Niyakap niya ako.

"Mag-iingat ka roon." Bakas ang pag-aalala sa boses ni Caryl.

Ngumisi ako at tinapik siya sa balikat. Yumakap rin ako kay Tito Mier.

"Good luck," nakangising aniya. "Call me often, I'll be waiting."

"Yes, tito." Sagot ko at bumaling kay Caryl. "Ikaw na bahala sa anak ko, Caryl. Lagot ka sa'kin kapag nagkataon," natatawang sabi ko. Ngumuso siya. "Tito, kayo ng bahala." Huling sabi ko.

Niyakap kong muli si Symon ng mahigpit bago ako tumulak paalis. Sa byahe papuntang Cebu ay wala akong ginawa kundi ang pag-aralan ang blue print na ibinigay sakin ni Tito Hamier. Ito ang blue print ng hotel ni Governor Lawson sa Cebu na paglalagian ng mga guests.

Sinave ko siya sa phone ko dahil hindi ko iyon pwedeng i-print at hands on na pag-aralan. Delikado 'yon. Hangga't maaari ay hindi ako pwedeng pagsuspetsyahan.

Ginugol ko ang pag-aaral sa blue print hanggang sa lumapag ang eroplano sa airport ng Cebu. Isinilid ko ang aking cellphone at lumabas para salubingin ang hangin sa Cebu.

Bago ako umalis ay kinausap ko si Daddy kahapon. Kinausap niya si Mr. Lawson sa harap ko. Sinabi niyang ako ang dadalo at magrereprisinta sakanya. Magiliw namang pumayag si Mr. Lawson sa sinabing iyon ni Daddy at sinabing susunduin nila ako sa airport. Bakas rin ang pagkatuwa sa mata ni Daddy dahil pumayag ako sa gusto niya.

Ang hindi niya alam ay may lihim akong dahilan kung bakit ako papayag. Kung hindi dahil sa misyon ay hindi ako pupunta. Aksaya lang siya ng panahon. Pero dahil makakatulong ito sa misyon ko ay ginamit ko na ang pagkakataong ito.

Naglibot ang aking mata sa mga sasakyang nakaparada. Tumaas ang kilay ko ng makita ang naka-uniform pang-body guard na lalaki na may hawak na papel kung saan nakasulat ang pangalan ko sa 'di kalayuan.

Natatawa akong lumapit sa lalaki na nakasandal sa isang puting SUV at tiningnan ang pangalang hawak niya.

Kithara Jaxinto.

"Kayo po ba si Kithara Jaxinto?" Seryoso at pormal na aniya.

Ngumiti ako. "Ako nga." Sabi ko.

"Ako po si Allen, ang magsusundo sa inyo." Aniya at agad akong pinagbuksan ng pinto.

Hindi na ako sumagot at pumasok na ako sa sasakyan. Umikot naman siya para pumunta sa driver seat. Tahimik kaming bumyahe ng driver na si Allen.

"Saan pala gaganapin ang kasal?" Biglaang tanong ko.

Sumulyap si Allen sa rearview mirror saka binalik sa daan ang paningin.

"Sa mismong resort po."

"Marami bang bisita?"

"Panigurado po. Maraming kakilala si Gov eh."

Tumango-tango ako at matamang tinitigan ang blue print saking phone. Isang hotel lang ito na may anim na palapag. Sa bawat floor ay may fifteen rooms. Kung bibilangin ay 90 rooms meron ang hotel. Kung marami ang guests ibig sabihin hindi malabong maging isang-daan iyon.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now