KABANATA 23

77 5 0
                                    


Kabanata 23
Own Family

Marahan kong inihiga si Symon sa kama dahil nakatulog siya saking mga braso. I felt that he missed me dahil ayaw niyang umalis sa tabi ko kanina. I was sorry to make him feel that way but still I'm happy because even thou I'm not around he still behaved under Caryl's care.

"Nakausap mo na si Tito Kael?" Tanong ni Caryl na nasa bukana ng pinto.

Bumuntong hininga ako at marahang tumayo upang harapin siya.

"Yeah. Alam kong wala siyang kinalaman roon pero may duda pa rin ako." Seryosong saad ko at lumabas ng kwarto.

Sumunod si Caryl sakin papunta sa sala. Umupo ako sa couch at inihilig ang aking batok sa sandalan.

"Bakit ka nagdududa, Sin? He's your father you should believe him―"

"Naniniwala ako, Caryl pero may duda pa rin ako." Putol ko sakanya at nilingon siya. "Nung gabing pasukin ko ang lungga ni Mr. Lawson ay nabanggit siya ng mga tauhan niya. Iyon ang dahilan kung bakit ako nagdududa."

"Paano nangyari 'yon?" Gulat na usal niya. "So you mean may kinalaman talaga si Tito Kael?"

Bumuntong hininga ako at umiling. Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Naniniwala ako kay Daddy pero hindi buo ang paniniwala ko sakanya.

Leche! Sumasakit ang ulo ko!

"Caryl, I'll be out for dinner." Napapabuntong hininga kong sabi.

Nagtaka siya at bahagyang lumapit sakin para umupo sa tabi ko.

"And? Why don't you eat here? Nagluto na ako." She said confusedly.

"May dinner kami ni Legolas." Simpleng sagot ko.

Natahimik siya sandali. Nilingon ko siya ng marinig ang kaniyang buntong hininga. I caught her smiling sincerely towards me. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay at mas lalong ngumiti sakin.

"I'm happy for you, Sin. Finally..."

Hindi ko magawang suklian ang sinserong ngiti ni Caryl sa akin. Napansin niya iyon kaya unti-unting napukaw ang mga ngiting iyon sakanyang labi at nag-aalalang tumingin sakin.

"What's wrong?"

Bumuntong hininga ako sa tanong niyang iyon at nag-iwas ng tingin.

"I will tell him later about Symon. And it's bothering the hell out of me."

"Synesthesia.." Nag-aalalang tawag niya.

"Ang hirap, Caryl. Hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya na may anak kami." Bumuntong hininga ako at mapait na ngumiti sa kawalan. "Hindi ko maiwasang hindi isipin na baka kunin niya bigla sakin si Symon at ilayo sakin. Hindi ko kaya iyon, Caryl." Nangingilid ang luhang ani ko.

"Sin, don't say that."

"I'm thinking all the possible outcomes here. Ayokong kaligtaanang ibang posibleng mangyari pagkatapos niyang malaman. There are some positives but there are also negatives. At nababagabag ako sa mga negatibong pwedeng mangyari."

"Sin, look." Aniya at nilingn ko naman siya. "I know Lego won't do that. I know. Trust me." Ngumiti siya. "Kita ko sa mga mata niya na mahal ka niya. Hindi niya kayang ilayo si Symon sayo, maniwala ka. Dahil kung ilalayo niya si Symon ay kasama ka." Dagdag niya at hindi naman ako nakasagot.

Wearing a black chiffon dress and a black stilettos I walked behind the staff following him to the room Lego had reserved into this luxurious hotel near at BGC in Taguig.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now