KABANATA 21

82 3 0
                                    

Kabanata 21
Wedding

Nagising ako kinabukasan ng wala si Lego saking tabi. Kunot-noo akong bumangon at humugot ng hininga. Bumagsak akong muli sa kama dahil kulang pa ang tulog ko at parang pagod na pagod ang katawan ko. Pero nang maalala kong ngayon ang kasal ay nag-atubili akong bumangon at magtungo sa banyo para maghilamos. Hindi muna ako naligo at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.

Gulat akong makita si Lego na nagkakape sa dining habang nakaharap sa laptop niya. Nang makita ako'y isinara niya ang laptop tsaka marahang tumayo at naglakad patungo sakin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang makalapit siya at hapitin ako sa baywang at halikan sa noo, pababa saking ilong, pisngi at labi.

"Good morning, beautiful." Nakangiting bati niya.

"Good morning," nakangiti ko ring bati.

Umalis ako sa harap niya at nagtungo sa ref para uminom ng tubig. Sumunod naman siya at pinagmasdan ako. Matapos kong uminom ay hinugasan ko ang aking baso at binalik sa lalagyanan. Nang magtama ang aming paningin ay seryoso na siyang nakatingin sakin.

"Why?" I asked.

"You look tired. Where have you been earlier?" Natigilan ako sa tanong niya. Ngumisi siya sa naging reaksyon ko ngunit sumeryosong muli. "And where did you get those bruises you have under your arms?" Naka-igting ang pangang dagdag niya at hindi naman ako nakapagsalita agad.

May mga sugat ako?

Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin para tignan ang mga braso ko. Bumuntong hininga siya kaya nilingon ko siya. Nag-iwas siya ng tingin sakin. He licked his lower lip and look at me again. Nanatili akong natitigilang nakatingin sakanya. Gusto kong magtanong. Paano mo nalaman? Pero napipi ata ako ng panandalian dahilan para hindi ako makapagsalita.

"Come here," mahinahon nang aniya ngunit hindi ako nakagalaw. Nanatili akong nakatingin sakanya kaya naman siya na ang lumapit. "I won't question where did you go earlier but at least take care of yourself. Please. Take care of yourself, Sin. I don't want to see you with bruises again." Kunot noong aniya saka ako marahang niyakap at hinalikan sa ulo.

Napalunok ako at mas lalong hindi nakagalaw. Bumuntong hininga ako ng humiwalay siya at igaya ako sa couch para gamutin ang mga sugat ko. Kung hindi ako nagkakamali ay nakuha ko ang mga 'yon sa paggapang ko.

Leche!

Nailing ako nang maalala ang mga nangyari kanina. Gusto kong matawa pero hindi ko na ginawa dahil baka kwestyunin lang ako ni Lego na salubong ang mga kilay na ginagamot ang mga maliliit na gasgas ko sa ilalim ng aking braso. Nangiti ako roon at pinagmasdan siya.

"Anong oras ang kasal?" Tanong ko.

"Before sunset." Maikling sagot niya.

Tumango ako at pinanuod siyang muli. Pagkatapos niya akong gamutin ay sinabi kong matutulog na muna ako.

"Okay. I know you have lack of sleep." Aniya.

"Kaya ba hindi mo ako ginising?"

Tumaas ang kilay niya sa tanong ko.

"Kailan ba kita ginising? I always wanted you to wake up on your own. I don't wanna disturb you from your sleep. I respect―"

"Okay!" Natatawang putol ko. Ngumuso siya. "You don't need to explain."

"Tsh! Just go and sleep then," kunot-noong aniya at umiiling naman akong pumunta sa kama.

Nagpahinga ako hanggang sa magtanghali. Naang magising ako ay naligo na muna ako at saka nagbihis pagkatapos. Nagtungo ko sa living room at ayun si Lego, nag-aayos ng hapag.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now