KABANATA 14

69 4 0
                                    


Kabanata 14
Enemy

Natitigilan akong nakatingin kay Allen na nakasimangot pa rin sakin. Umawang ang aking labi kaya kumunot ang noo niya.

"Of course, Kýrios." Dinig kong sabi ng senyor. "Come with me, I'll introduce you to my guests." Dagdag niya.

Hindi na ako nakarinig bg sagot mula sa bagong dating. Unti-unti kong binaling ang mukha ko sa harap nakita ang likuran ni Lego na kasalukuyang nakikipagkamay. Napasinghap ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng aking puso.

Bakit siya nandito? At talaga namang kasama niya si Czarina huh? Tss!

"Ayos ka lang, Kithara?" Sambit ni Allen na hinawakan pa ako sa likod. "Gusto mo ng tubig?" Aniya at nagsalin sa baso.

Inabot ko ito mula sakanya at sumimsim. I took a deep breath and calmed myself. Nang makalma ay tiningnan ko si Allen na pinagmamasdan ako.

"Salamat," tipid ang ngiting sabi ko.

Nagbuntong hininga siya. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkaing nasa harap ko. Nang maramdaman ko ang paninitig ng aking kasama ay nilingon ko siya.

"Bakit hindi ka kumain?" Sabi ko.

Umiling siya. "Hindi ako gutom." Mataman niyang sagot.

"Talaga?" Taas-kilay kong sabi. "O baka nagdadahilan ka lang?"

Ngumiwi siya at ngumisi. Nanliit ang mga mata ko. Nilingon niya akong muli at nang makita ang ekspresyon ko'y nailing na lang siya.

"Kumain ka." Utos ko. Umiling lang siya at ngumisi. "O baka naman gusto mong subuan pa kita?" Pilya kong sabi na siyang nagpakunot noo sakanya.

Ngumisi ako at pinigilan ang matawa.

"You choose. Kakain ka o susubuan kita? Pwede ring both. Might as well choose the first one before I change my mind, Allen."

Suminghap siya at inilingan ako ngunit nahuli ko ang palihim niyang pag-ngisi. Inayos niya ang platong nasa harap niya. Tumaas ang kilay ko habang pinapanuod siyang ayusin ang plato niya ng sobrang bagal at biglang natigil ng may tumawag sakin..

"Kithara," napalingon ako sa senyor na papalapit. Nang asta akong tatayo ay sinenyasan niya akong 'wag na. "This is Kýrios Acrylieser and Czarina Barlones." Aniya sa dalawa at doon nagtama ang paningin namin ni Lego.

Hindi ko mapangalanan ang emosyon sa kaniyang mga mata pero wala na akong pakialam. Nag-iwas ako ng tingin sakanya para balingan si Czarina na maganda ang ngiti sa akin. 

Ngumisi ako sa senyor ng baling ko. "I know them, Tito." Sabi ko na siyang kinagulat niya. Bumaling ako kay Czarina. "We've meet again," ngisi ko.

"Yeah, nice to meet you again, Synesthesia." Sagot niya.

"Synesthesia?" Kunot noong ani ng senyor at bumaling sakin.

I gave him an apologetic smile.

"Sorry, Tito. My full name is Synesthesia Kithara Jaxinto. I didn't mention my first name because it's too common," sabi ko. "Gusto kong matawag sa pangalawang pangala ko kaya Kithara lang ang sinabi ko sa inyo. Forgive me, Tito." Paumanhin ko.

Bumuntong hininga ang senyor at kalaunan ay humalakhak.

"It's okay, iha. Nagulat lang ako." Aniya kaya ngumiti na lang ako. Binalingan niya ang dalawa. "You should eat now. Common, saluhan  niyo si Kithara at nag-iisa siya dito sa table niya." Nakangiting ani ng senyor na bahagya kong kinagulat ngunit agad akong nakabawi at ngumiti.
Umupo ang dalawa sa harap ko kasabay ng pagtayo ng aking katabi. Nagtama pa muna ang mga mata namin ni Lego bago ako nag-iwas ng tingin. Nag-angat ako ng ulo kay Allen at kumunot ang noo ko.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now