KABANATA 18

77 6 0
                                    

WARNING: SPG! LOL!
Kabanata 18
TWO

Pinaypayan ko ang sarili ko pagkatapos kong maupo. Katatapos lang ng pictorial namin para sa wedding. Mabuti na lang at kami ang huli dahil medyo mainit pa kanina. Inuna kasi nila ang relatives ng both family at huli naman kami. Mabuti na lang at taglong bagsakan lang ang amin hindi gaya ng sa relatives na iba pa ang photoshoot sa magulang, kapatid at iba pa.

"Tubig?"

Nilingon ko si Allen na may dalang bottled water. Tipid akong ngumiti at kinuha iyon.

"Thanks."

Nabaling ang atensyon ko sa unahan nang pumalakpak ang bride. Kasama niya ang groom na nakahawak pa sakanyang baywang.

"Thank you po for your support and cooperation for this photoshoot. We and our families are so thankful for all of you here today. Thank you so much." Sabi ni Rihanna.

Nagpalakpakan kami.

"And we all know that most of us now is hungry," ngiti naman ni Reijin. Tumawa ang ilan sa amin. "We acknowledge you all into Buffet Restaurant to eat our lunch together. We all did a good job, thank you everyone. Let's go!" Masiglang sigaw niya pa kaya nagsimula na kaming tumayo.

Nagtungo kami sa hotel na mas malapit. Hindi ito 'yong hotel na pinaglalagian ko. Gaya ng sabi ko no'ng una magkapareha lamang ang dalawang hotel sa struktura nito. Kasalukuyan kaming papasok nang kalabitin ko si Allen. Nilingon niya ako at nagkunot noo.

"Bakit?"

"Di'ba pare-pareho lang ang mga rooms dito sa hotel?" I said. Tumango siya. "Walang suit o ano?" Umiling siya. "Saan nakalagi ang mga Lawson at Monarco kung ganoon?" Takha kong sabi.

Pumasok kami sa resto at agad naman niya akong pinaghila ng upuan sa pang-apatang mesa. Nanatili ang paningin ko sakanya hanggang sa maupo siya sa harap ko.

"Sa ancestral house nila. Nasa gitna iyon ng kakahuyan malapit sa beach."

"Eh?" Gulat na usal ko.

"Mmm. Hindi mo ba napansin no'ng nandon tayo?" Ngisi niya. "Doon nakalagi ang dalawang pamilya."

May balak pa sana akong sabihin kaso hindi na ako nakapagsalita dahil dumating sina Lego at Czarina. Iniwas ko ang aking paningin at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng kaharap ko.

"Kukuha ng pagkain," sagot ko at nasulyapan ko ang paghila ni Lego ng upuan para kay Czarina.

Psh!

Inis akong kumuha nang pagkain. Ni hindi ko alam kung ano 'yong mga pinagkukuha ko roon. Basta na lang akong kumuha. Pagbalik ko ay siyang tayo naman ni Allen. Wala doon sina Lego siguro ay kumuha nalg pagkain nila. Umupo ako at tumingala sakanya.

"Alis nako. Kumain ka ng marami," ngiti niya saka tinalikuran ako.

Ngumiwi ako. "Tsh! Hindi pa lang kumain dito." Bulong ko at nagsimulang kumain.

"May nakaupo ba dito?"

Nag-angat ako ng tingin at natigilan sandali. Ngumiti ako at umiling. Maarte naman siyang umupo sa harap ko dala ang plate niya.

"Hmmm?" Malanding ani Aeon sakin.

"Ano?" Natatawa kong sabi.

"Nanliligaw ba sayo si Legolas?"

Nasamid ako sa sinabi niya kaya naman natatawa niyabg inabutan ako ng tubig. Umubo pa ako ng bahagya at pinandilatan siya ng mata.

"Anong klaseng tanong 'yan?!"

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now