KABANATA 9

100 4 3
                                    


BATANES PART IV

Kabanata 9
Marry Me

Sinalubong ako ng mga kasama ko sa lobby. Kunot noo akong pinagmasdan ni Caryl. Biglang kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Napalunok ako at huminga ng malalim.

"Why take you so long, Sin?" Rad said.

"Naligo ka ulit?" Taas-kilay na tanong ni Caryl.

"Ahm," wala akong masabi.

"I told you. Maliligo pa siya kaya siya natagalan."

Tumindig ang aking balahibo ng marinig ang boses ni Lego. Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin dahil sa ganda ng pagkakangiti niya.

Peste ka, Legolas!

"Ansama na naman ng tingin niya sayo, bro!" Puna ni Jux. Nag-iwas ako ng tingin. "Ginising mo kasi. Tsk. Tsk."

Hindi niya lang ako basta ginising! Ginising niya pati kaluluwa ko! Leche!

Humalakhak si Lego sa sinabing iyon ni Juxther. Parang ang naging dating sakin ay nabasa niya ang inisip ko kaya siya tumawa.

"Alright, then...shall we?" Adden said.

Tumango naman si Rad na sinulyapan pa muna ako bago naunang lumabas. Nauuna ang mga kasama namin habang sinabayan naman ako ni Adden. Kami ang nasa hulihan.

"Nag-lipstick ka?" Tanong niya.

Natigilan ako kaya nahinto ako sa paglalakad. Tumaas ang kilay niya at mataman akong tinitigan.

"P-Paano mo n-nalaman?" Kabadong tanong ko.

"Tsk!" Nakangising asik niya. "Nag-lipstick ka pa talaga para kay Conrad ah?" Aniya.

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya ngubit hindi ako nagpahalata.

"Ah―hahaha!" Pinilit kong tumawa. Nailing na lang siya.

Palihim akong bumuntong hininga dahil iyon pala ang iniisip niya. Masyado akong guilty sa ginawa naming milagro ni Lego kaya ganito ako kabado at kapraning.

Bigla tuloy akong nainis! Kasalanan 'to ni Lego eh! Tsk! Kailangan ko pang maligo ulit kanina dahil malagkit ako pagkatapos no'n. Ang kumag umi-score pa ng isa dahil sumabay siyang naligo! Kingna!

Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko!

Bakit ang bilis kong bumigay sakanya? Kung ibang tao siguro iyon. Hindi pa dumidikit ang labi niya sakin nakangudngod na yon sa lupa, semento o kahit saan. Pero pagdating sakanya naleleche ang buong katawan ko at ayaw mag-function!

"Saan tayo first, Conrad?" Tanong ni Bettina.

"You'll see," nakangiting sagot ni Rad.

After two minutes...

"Welcome to Savidug Village!" Ani Rad matapos naming makarating sa village.

"Wow! Ang ganda!" Sabi ni Kath.

"Mmm," tango ni Dros. "Kakaiba ang pagkakadisenyo ng mga bahay. The houses are made of stones. I'm sure it is tough."

Tumango-tango ako. Isang Engineer ba naman ang nagsabi. Kakaiba naman talaga.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now