KABANATA 10

82 4 0
                                    


BATANES PART V

Kabanata 10
In Love

Naiilang akong lumisan sa hapag pagkatapos kong kumain ng dinner. Ramdam ko ang paningin nilang lahat sakin ngunit hindi na sila nag-abala pang magtanong.

Pumasok ako sa kwarto at walang ganang humiga sa kama. Natutulog sa kabilang kama si Symon. Agad na nangilid ang aking luha ng maalala ko ang nangyari kanina.

"Will you..marry me?"

"No." Walang emosyon kong sagot.

"Sin..."

"I'm not marrying you, Lego. Stop it already! Please!"

Matagal bago siya nakasagot. I can see it in his eyes that he is hurting. Nag-iwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Pakiramdam ko ay may parte saking unti-unting nawawasak.

"O-Okay," halos pabulong niyang sagot.

Mabilis na nangilid ang aking luha matapos ko iyong marinig bago siya tumayo. Nanatiling diretso ang aking paningin. At bumagsak ang aking luha matapos niya akong talikuran.

Suminghap ako at nagtungo sa veranda ng aming kwarto. Tumingala ako sa payapang langit. The night was too silent and peace with the crescent moon and stars scattered in the sky. I wish I could be at peace too. Or I already got the peace I want?

Bago pa ako mawala sa sarili ay natulog na ako. Pinilit kong matulog kahit na maya't maya ang pagtulo ng aking luha kahit na nakapikit ako. Hanggang sa makatulugan ko na nga ang pag-iyak.

Kinabukasan.

Mugto ang aking mga mata ng magising ako. Nakita kong wala sina Caryl at Symon. Maaaring kumakain na sila. Agad akong naligo ng mahigit sa isang oras hanggang sa mahimasmasan ako't mawala ang mugto ng aking mga mata. Matapos kong magbihis ay lumabas na rin ako ng kwarto. Mukhng tapos na silang kumain dahil nandito sila sa living room. Tiningnan ko sila isa-isa.

Wala si Lego.

"Morning, Sin."

Tipid kong ngumiti kay Conrad at tumang matapos niya akong batiin. Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

"Sin, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Caryl.

Liningon ko siya at nagkunot noo.

"Wala. Bakit?"

"Parang may bumabagabag sayo. Hindi ka kumikibo, lately."

"Walang problema, Caryl. 'Wag kayong mag-imagine." Nakangising saad ko. Bumuntong hininga naman siya at tumango. "Saan nga pala punta natin ngayon?"

"Sa Morong Beach raw sabi ni Kuya Rad."

Tumango ako. "Tara na?"

"Hindi ka na ba kakain?"

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now