KABANATA 2

124 9 0
                                    


Kabanata 2
I Miss You

Nakatulog muli si Symon pagkatapos niyang kumain. Pagod na pagod siguro dahil sa byahe. At isa pa, nag-aadjust siguro dahil magka-iba ang klima dito at sa States.

"Sin, aalis na daw si Tito Kael," mahinang sambit ni Caryl habang nakadungaw sa pinto ng kwarto. Tumango lang ako. "Hindi mo man lang ba siya ihahatid?"

Natigilan ako tsaka bumuntong hininga at tsaka tumango ulit.

Iniwan ko si Symon kasama si Caryl sa kwarto. Pagdating sa sala ay nagpapaalam na si Daddy kina Tito Mier at Adden.

"Hatid ko na kayo sa labas, Tito," ani Adden.

Ngumiti si Dad at tumango. Nang masulyapan ako ay lumamlam ang kaniyang mga mata at tipid na ngumiti.

"Ako na maghahatid sakanya," seryosong sabi ko.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Daddy.

"Sige," bakas ang sayang aniya.

Nag-iwas ako ng tingin at nakapamulsang naglakad patungo sa pinto.

"Ingat sa byahe, Kael." Pahabol pa ni Tito Mier.

"Salamat."

Paglabas ay nakita ko ang dalawang lalaking nakaputi. Body guards niya. Tss! Isinara ni Dad ang pinto at nakangiti akong nilingon. Gusto kong umirap pero hindi ko na ginawa. I also need to stop myself. I know he's hurting with my attitude towards him.

"Kailangan kayo matatapos sa politika, Dad?" Pagbabasag ko sa katahimikan.

Nanatiling sa diretso ang tingin ko samantalang ramdam ko ang paglingon niya. Nasa likod namin ang dalawang body guards niya.

"I-I don't know," sagot niya tsaka tumikhim.

Ngumisi ako. "Make sure that you're doing good at wala kang ginagawang masama, Dad."

Natigilan siya kaya napalingon ako sakanya.

"What do you mean?"

"Nothing. I'm just asking." Nagkibit-balikat ako. "Are you sure you're doing good?"

"O-Of course," kabadong aniya. Tumaas ang kilay ko.

"Just making sure." Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Bumuntong hininga muna siya bago sumunod. Nang matapat kami sa elevator ay naghintay pa kami ng ilang saglit bago sila sumakay. Nang tumunog at bumukas ang pinto ay naunang pumasok ang dalawang body guards tsaka si Daddy.

"Hanggang dito na lang ako."

"O-Okay. Take care, Synesthesia."

I smiled. "Just make sure that you didn't do anything bad, Daddy." Ani ko na siyang nagpakunot ng kaniyang noo. Nawala ang ngiti ko. "Dahil kung mayron ay pasensyahan tayo kung dumating ang araw na ako mismo ang magpapakulong sa'yo." Seryosong saad ko.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa buong mukha ni Daddy dahil sa aking sinabi bago nagsara ang elevator. Napabuntong hininga ako tsaka wala sa sariling bumalik sa penthouse.

"Oh? Ang bilis mo naman," salubong ni Tito Mier.

"Hanggang sa elevator ko lang naman siya hinatid. May kasama naman siyang body guards. Kaya na niya sarili niya."

"Synesthesia," nangangaral ang tono ni Tito. "'Wag ka namang ganyan sa Daddy mo. Kayo na lang ang natitira sa pamilya niyo. Isipin mo rin siya―"

Natigilan si Tito Mier nang bigyan ko siya nang nanlilisik na mga mata. Biglang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now