KABANATA 19

79 4 0
                                    


Kabanata 19
Turning Back

Nagising ako na madilim na sa labas. Pagbangon ko sa kama ay wala na si Legolas. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagtungo sa banyo para maligo ng mabilisan. Suot ang short shorts at spaghetti strap ay nagtungo ako sa kusina. Doon ko naabuta  si Lego na nakatalikod sakin. Mukhang nagluluto.

Tahimik kong hinila ang high chair sa couter at nakapalumbabang pinanuod siya. Ngunit agad na nag-init ang pisngi ko nang maalala ang nangyari samin kanina dito mismo sa counter. Nang ibalik ko ang tingin kay Lego ay nagtama ang aming paningin. Napalunok ako at mas lalong nag-init ang aking pisngi.

"Are you hungry?" He asked.

"Mmm," tipid na sagot ko at tumango.

"We'll eat in a bit." Ngiti niya at hindi na ako sumagot.

Maya-maya lang ay tapos na siya. Ako na ang naghanda ng mga kailangan namin saka kami sabay na kumain. Ako na rin ang naghugas dahil bumalik siya sa kwarto niya para kumuha ng kanyang pamalit. Ang sabi niya'y dito siya matutulog ngayon.

I let him, though. Because I want to let myself. And letting myself means letting him too. I just want a short time with him. Us, together.

Nang patapos na ako sa paghuhugas ay siyang balik niya. Ngunit dumiretso siya sakin at humalik saking pisngi. Napasinghal ako ng ngiti sa ginawa niya.

"I'll just take a quick shower," aniya.

Natawa naman ako.

"Kahit doon ka na magdamag," biro ko.

"Tsk!" Singhal niya pa.

Nagpunas ako ng kamay pagkatapos kong maghugas. Tsaka ako nagtungo sa side table para kunin ang phone ko. Umupo ako sa couch at hinanap ang pangalan ni Tito Mier for a video call.

"Synesthesia!" Sagot ni Tito. I smiled. "Akala ko hindi mo na ako tatawagan. How's it?"

"Nothing's good about it. But I'll find the right time to investigate. Masyadong maselan."

"Huh? Why?"

"Wait, Tito. Are you at home? Where's Caryl? And Symon?"

"Ah, Symonauscan is having a quick shower at the moment. Mamaya mo na sila kausapin patapos na rin 'yon."

"Oh!" Tumango ako.

"So? Ano na?"

"Mayroong hidden place si Mr. Lawson," mahinang sabi ko. "Iyon lang ang napansin kong kakaiba kaya doon lang ako umaasa. Doon ko uumpisahan pero mahihirapan ako." Napapabuntong hininga kong sabi.

"Why? What's the problem?"

"Psh! Hindi iyon basta-basta napapasok, Tito Mier. May device na kailangan para magbukas iyon at mapasok." Inis na sabi ko. "Lintek rin sa talino eh. Kaya pala walang mahanap na ebidensya sa tuwing nari-raid ito kasi nakatago ng bongga. Ni hindi ko nga naisip na may ganoon pala eh. Pinagplanuhang mabuti."

Tumango-tango si Tito Mier. Napabuntong hininga naman ako. May narinig akong pagsara ng pinto kaya nilingon ko ang gawing iyon. Tsaka ko nakita si Lego na nakaputing shirt at pajama. Nagtungo siya sa gawi ko at umupo sa tabi ko. Napatingin naman ako agad sa screen ng phone ko na nilapag ko sa table.

Tumikhim si Tito Mier kaya napakamot ako sa kilay ko. Hindi ko pa ito nababanggit sakanila.

"Looks like you're not alone," ngisi niya.

Obviously. Psh!

"Ahm..Tito, this is Legolas. Legolas this is Tito Hamier. Carly's father."

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now