KABANATA 20

96 4 0
                                    


Kabanata 20
UNDERCOVER

Gaya ng inaasahan ay isang puting van ang huminto sa tapat. Dinig na dinig ko ang mga konting ingay na nagmumula roon. Nadinig kong bumukas ang pinto ng van. Maya-maya lang ay nag-uusap na sila.

"Rex, lahat ba ipapasok sa loob?" Dinig kong sabi ng isa.

"Oo, ipasok lahat 'yan at maglabas ng apat na puting cargo."

"Ito ba ay para sa mga kliyenteng nakuha nina Senator Andres at Lacson?"

"Oo."

Namilog ang mata ko sa narinig. Senator Andres at Lacson? Kasabwat sila? Kumurap-kurap ako dahil sa gulat.

Dalawa silang kaibigan ni Daddy at kahit na hindi ako pabor sa mga politiko ay nakitaan ko sila ng kabutihan nung minsang mag-prisinta silang mag-donate sa charity event na dinaluhan namin dati. To think na hindi iyon alam ng lahat ang pruwebang galing sa puso ang pagtulong nila. Hindi kasi naisa-publiko ang pagtulong na ginawa nila kaya iyon ang naisip ko.

Tapos ngayon? I can't believe this! Well, what do I expect from politicians?

"Bakit apat lang? Hindi ba't naghahanap rin ng kliyente 'yong isa pang senador?" Dinig kong sabi na naman nung isa.

"Ah! Si Senator Jaxinto?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko saking narinig. "Wala pa siyang nakukuhang kliyente. Masyadong mabagal. Ni isa wala pa siyang nakukuha. Tsk!"

"Malay mo. Oh siya buksan mo na nang masimulan na ang pagbubuhat."

Natapos ang usapan nila at naiwan akong hindi makagalaw. Pakiramdam ko ay nayanig ang mundo ko sa narinig ko. Si Daddy? Para akong mauubusan ng hininga dahil sa nalaman ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni Daddy! Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi ko sakanya nung mismong araw ng dating namin sa Pilipinas.

I smiled. "Just make sure that you didn't do anything bad, Daddy." Ani ko na siyang nagpakunot ng kaniyang noo. Nawala ang ngiti ko. "Dahil kung mayron ay pasensyahan tayo kung dumating ang araw na ako mismo ang magpapakulong sa'yo." Seryosong saad ko.

Tapos ganito ang malalaman ko? How the hell, Dad?! What the fvck is wrong with you?! Bakit ganito?!

Ang sakit ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay naninikip ito at pinahihirapan akong huminga. Hindi ko inaasahan ang pagpatak ng aking luha. Umigting ang aking bagang at paulit-ulit na kinalma ang aking sarili. I shouldn't be affected. I should not! Kailangan kong isagawa ang misyong ito kahit na sa huli ay damay ka.

Daddy...

Ni hindi ko namalayang bumukas na ang lagusan. Ni hindi ko naramdaman ang bahagyang pagyanig ng lupa na naramdaman ko noong unang beses. Naging abala ako sa nalaman kong balita na hiniling kong sana ay hindi totoo.

Bumuntong hininga ako at pinunasan ang aking basang pisngi. I still cared for you, Dad. I smiled bitterly at that thought. Sana man lang inisip niya ang mararamdaman ko kapag nalaman ko ang tungkol dito. Hindi kami maayos dahil sa isang rason. Ngayon mas dinagdagan niya ang rason para hindi na kami magka-ayos pa.

"Ipasok na ang mga 'yan. Ingatan niyo at 'wag hayaang mahulog habang buhat niyo." Sabi ng Rex ata. "Patay tayo kay Sir kung may damage ang mga 'yan. Naiintindihan niyo?"

Bahagya akong lumapit sa dulo ng gate para silipin ang ginagawa nila. Kahon kahon ang laman ng likod ng puting van. May mga parihaba at parisukat na kahon ang naroon. Napatingin ako sa mga lalakong naroon. Mukha silang sundalo. May mga naglalakihan silang armas na nakasabit sakanilang katawan. Labing-lima ang mga tauhan ng mabilang ko. Dalawa ang nagbabantay malapit sa harap ng van. Nakamasid sa paligid. May isa ring nagbabantay sa likod ng van at tinitignan ang mga nagbubuhat.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now