KABANATA 5

93 5 0
                                    


Kabanata 5
What If

Sa araw na 'yon ay buong araw akong bad trip. At talagang lahat ng mga sinasabi nila ay sinasagot ko ng pabalang o kaya ay pilosopo. Na-bad trip talaga ako ng bongga sa encounter namin ni Lego sa hospital. Nakakagigil.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin kung anong ginagawa nila sa hospital pero dahil mas lalo lang akong na-ba bad trip sa tuwing naiisip ko ay hindi ko na inisip pa. Nabwibwiset lang ako sa kumag na 'yon! Sarap niyang pagsasapakin! Kainis.

Naiinis rin ako sa sarili ko. Simula no'ng nagkita kami ulit para akong buntis o 'di kaya may mens kung makapag-mood swings. Hindi ko ba alam kung bakit nabwibwiset ako sa kumag na 'yon.

Ahh! Basta ayoko siyang isipin! Balakajan!! Argh!

Kaya naman naisipan kong mag-unwind. Susulitin ko na ang natitira kong mga araw para magbakasyon dahil start na ng work ko after Friday. Sunday ngayon kaya I still have the week days.

Gusto ko sanang mag-search ng mga lugar na pwedeng puntahan but I decided to just stay in one place wherein maraming pupuntahang places. Pero dahil may naisip na ako ay hindi na ako nag-abala pa.

Matapos kong patulugin si Symon ay nag-ayos na ako ng mga gamit namin. Bukas na bukas din ay aalis na kami. Ayoko ng magsayang pa ng mga araw. Dahil bilang na lang ang araw ko. Wow! OA ko naman sa sinabi ko.

Nang matapos kong mag-ayos ay tsaka ko tinawagan si Caryl at sinabing aalis kami at mawawala ng apat na araw. As expected OA na naman siya, syempre. Ano pa nga ba? Tss.

"Ohmy! Excited na tuloy ako, Sin. Sa wakas at magkakakulay na rin ang balat ko," aniya.

Napailing na lang ako matapos niyang ibaba ang tawag dahil mag-aayos na daw siya ng mga gamit niya. Kasing puti kasi ng gatas ang kutis ni Caryl. Simula bata ay nasa States na siya kaya hindi na kataka-taka ang puti niya.

Sunod kong tinawagan ay si Adden. Nasa opisina pa ata siya dahil dinig na dinig ko ang pagtipa niya sa kaniyang laptop.

"Hello?"

"Mag-impake ka na," iyan ang bungad na sabi ko. "Mag-leave ka na rin ng apat na araw sa opisina."

"Huh? Why?"

"May pupuntahan tayo."

"Saan?"

"Batanes."

"Ay wow! Kailan?"

"Bukas."

"Eh? Ba't parang biglaan naman ata."

"Biglaan ko ring naisip eh," nakangiwi kong sagot. Natawa siya. "Ang daming tanong." Mahinang bulong ko pero alam kong rinig niya 'yon.

Mas lalo siyang tumawa. "Tayo lang?" Batid kong nakangisi siya.

"In your dreams. Walang tayo," natatawa kong sabi.

"Oh sayang? Sino bang mga kasama?"

"Si Caryl."

Hindi siya agad nakasagot. Tumaas ang kilay ko. Nabanggit ko lang natahimik na. Anyare sa lalaking 'to?

"Sabihan mo na rin mga kaibigan ko. Nasa office ka pa naman ata?" Dagdag ko.

Tumikhim siya.

"Ah yeah..may tinatapos pa kasi akong file at nag-over time rin sila dahil deadline bukas ng report tungkol sa project namin a month ago."

"Oh! That's good. Ikaw na mag-anyaya huh?"

"Okay, then. I'll hang up. Para matapos ko na 'to at makasama bukas."

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now