KABANATA 11

75 6 1
                                    


Kabanata 11
Kawalan

Sabay kaming bumalik ni Conrad sa Hotel ng papadilim na. Tahimik niya akong hinatid sa suite namin. Nang nasa harap na kami ng pinto ay hinarap ko siya. His eyes were serious and I can't read any emotions on his face.

"Rad, I'm really sorry." Naiiyak na namang sabi ko.

Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga saka tumango. Nilingon niya akong muli at humakbang palapit upang yakapin ako ng mahigpit.

"It's okay, Kithara. I know," mahinang bulong niya. "Don't hesitate to give me a call if you need me, okay?" Aniya saka humiwalay sa yakap. Tiningnan niya akong naluluha. He smiled and kissed me in the forehead. "Take care. I love you, Kithara." Huling sabi niya bago ako talikuran.

Kinagat ko ang aking labi at pinunasan ang aking basang pisngi. I took a deep breath before swiping the card on our suite and enter. Napatayo ang mga kasama ko na nasa living room matapos akong makita. Kumunot ang noo ko sa nakikitang pag-aalala sakanilang mukha.

"Where have you been?" Bungad sakin ni Adden at tiningnan ako. "Kanina ka pa namin hinahanap."

"Bakit? Kasama ko si Conrad."

Natahimik sila sa sagot ko. Nagkatinginan kami ni Caryl at binigyan ako ng nag-aalalang mukha.

"Look, guys. I'm sorry dahil hindi ako nagpaalam pero ayos lang ako," paliwanag ko. "This time, let me take a rest. I am very tired," pakiusap ko at lumapit kay Caryl na buhat si Symon at hinalikan sa noo bago umalis roon upang magtungo sa kwarto.

Nahiga agad ako sa aking kama at niyakap ang isang unan. Bumukas ang pinto at narinig ko ang mga yapak ng kung sino patungo sa akin.

"Sin, dinner?" Caryl asked.

"I'm fine. Gusto ko lang matulog, Caryl."

She sighed. "Alright, then." Aniya at lumabas na ng kwarto.

Pagkalabas niya ay doon muling tumulo ang aking luha. I'm hurting. Totoo pala ang sinabi nila. You will only realize someone's worth when they're already gone. There are those who were lucky dahil ang mga nawala sakanila ay bumabalik rin. Meron ding umalis at hindi na nagtangka pang bumalik. Sa akin? Hindi ko alam kung may babalik pa ba.

Right after what happened between Rad and I we stayed there for minutes to calm ourselves. Doon ay nagtapat siya saking mahal niya ako. Rad is in love with me! Noong tinanong ko siya kung nagmahal na ba siya...ang sagot niya...hindi siya sigurado. Pero nang maghalikan kami ay doon niya lang natanto. Pero masakit isiping sa halik na iyon ay pareho kaming may natanto. Pareho kami nang napagtanto na nagmamahal kaming pareho ngunit hindi para sa isa't isa. Mahal niya ako. May mahal akong iba.

But then, Rad was happy. To finally knew that what he's feeling with me is really love. He said that time will come and he'll get over with me. Sinabi niyang may gusto na siya sakin noon pa. Torpe lang kasi siya kaya hindi makaamin. To think that I was his first love and first kiss! Kung gusto ko pa rin si Rad baka natutuwa na ako ngayon pero hindi na kasi ganoon 'yon. There are more differences this time.

Kinabukasan ay maaga kaming nag-check out sa Hotel. No'ng tinanong ko si Rad sa receptionist ay sinabing hindi pa ito bumababa. Naisip ko ring baka tulog pa siya kaya hinayaan ko na lang.

Gaya ng pagpunta sa Sabtang ay sumakay kami ng jeep papunta sa Port at sumakay ng motorized ferries papunta sa San Vicente Port sa Basco.

Habang nasa byahe sa tubig ay kinalabit ako ni Caryl. Nilingon niya muna ang mga kasama naming busy bago bumaling sakin.

"Nagkausap kayo?" Mahinang tanong niya sakin.

Kumunot ang noo ko.

"Nino?" Litong tanong ko.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now