KABANATA 16

80 4 0
                                    


Kabanata 16
Court

Lumingon ako sa pinto nang tumunog ang door bell. Sinuot ko na ang sneakers ko tsaka binuksan ang pinto at lumabas. Ngumiti ako kay Allen na siyang nag-door bell.

"Ganda natin ah?" Ngisi niya.

Tumawa ako at binunggo siya sa balikat habang naglalakad kami.

"Buntis misis mo, 'wag mo akong landiin." Sagot ko, natatawa.

"Tsk! Kailangan kita nilandi?"

Natawa lang ako at umiling.

"Dapat pala sinabi kong ang panget mo," dagdag niya.

Tumawa akong muli at sinapak siya sa braso. Nakangiti kaming sumakay ng elevator para magtungo sa ground floor.

Nasabi ko na kay Allen ang tungkol sa nakita ko kagabi. Iyon ang pinag-usapan namin kanina kaya ko siya inaya sa beach. We talked about the case. Yes, case. This issue was considered as a case. Hindi lang ito basta-bastang kaso. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang nasaksihan ko kagabi.

"Totoo ba 'yong sinabi mo kanina?" Biglang aniya.

Nilingon ko siya at nagkunot noo.

"Ang alin?"

"Iyong sinabi mo, tss!" Asik niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko at inisip ang mga napag-usapan namin kanina. Marami akong sinabi sakanya kanina, alin naman do'n?

"Marami akong sinabi sayo kanina, Allen." Ngiwi kong sabi.

Ngumuso siya. "Iyong kay ano..." Aniya.

"Ano?" Sabi ko ng natatawa. "Klaruhin mo kasi. Sabihin mo na. Dami mo pang arte eh!"

"Iyong tungkol kay Jara." Mahinang bulong niya.

"Eh?" Lito kong sabi.

Bumuntong hininga lang siya at umiling sakin. Parang dismayado. Tumunog ang elevator at lumabas kami. Doon ko lang naisip ang pinupunto niya.

Allenzo Pascual is already married. Yes, nasabi niya iyon sakin kanina nang mag-usap kami. And this case is a big catch for him dahil kailangan niya ng pera para sa pamilya niya. Kasalukuyang buntis ang kaniyang asawa na si Jara na manganganak na sa susunod na dalawang buwan. At sinabi ko sakanyang hindi na niya kailangan pang mag-alala kasi ako na ang sasagot sa mga gastusin nila sa hospital kapag nanganak na ng asawa niya. Para ang makukuha niyang pera pagkatapos ng kasong ito ay para na sa future ng magiging anak nila.

"Totoo 'yon," ngisi ko sakanya ng palabas kami ng hotel para magtungo sa field kung saan gaganapin ang bridal shower. "Just do the favor I asked for." Dagdag ko na siyang ikinalingon niya.

"Ano? Sigurado ka ba?" Nag-aalalang aniya.

"Oo, 'wag kang mag-alala. I will be fine."

Mataman niya akong tinitigan. I nodded to assure him. I asked him to leave this case to me and just support me. Sinabi kong ang magiging parte niya sa kasong ito ay alamin kung sinu-sino ang mga tauhan ni Mr. Lawson sa polisya. Sa huli ay bumuntong hininga siya at napakamot sa noo. Tsaka umiling at nauna nang maglakad. Natatawa naman akong humabol upang sabayan siya sa paglalakad.

"Bakit ka pala sumama? Bridal shower ito, bawal ang lalaki."

Nilingon niya ako. "Pinagsabay ng ikakasal ang Stag party at Bridal shower nila kaya..." Hindi na niya itinuloy at iminuwestra na lang niya ang field sa harap ko.

Punong-puno ng makukulay na ilaw ang paligid. Gaya kahapon ay may mga mesa. May catering rin sa harap. Medyo kaunti lang ang mga tao ngayon dito bukod kahapon dahil naibawas ang mga matatanda. Pulos ang mga narito ay kaedaran ko o 'di kaya ay nang ikakasal.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now