KABANATA 4

109 7 0
                                    


Kabanata 4
My Fiancée

Pagdating sa hotel ay ibinigay ni Adden sa valet ang susi ng kaniyang Audi tsaka sumunod sa'kin. Tahimik kaming sumakay ng elevator. Hanggang ngayon ay naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit at para saan. Alam ni Adden 'yon kaya hindi na niya ako sinubukan pang biruin. Takot niya lang dahil hindi ako magdadalawang isip na hambalusin siya ng heels ko kapag sinubukan niya!

Tahimik kaming pumasok sa loob at naabutan si Caryl na natutulog sa sofa habang nakasandal naman si Symon sakanya na tulog rin. Nagkatinginan kami ni Adden. Akma akong lalapit sana upang gisingin si Caryl nang pigilan ako ni Adden sa braso.

Sinenyasan niya ako ng 'wait' tsaka inilabas ang phone niya. Kunot-noo ko siyang pinanood na nakangising kuhanan ng picture si Symon. Humalukipkip ako at gumilid kung saan kita ko ang screen ng phone niya. Tumaas ang kilay ko sa nakita. Kung titingnan kasi ay parang si Symon ang kinukuhanan niya pero ang totoo ay si Caryl na siyang nasa likod ni Symon na natutulog na medyo awang pa ang labi ang talagang kinukuhanan niya. Sadyang matalino lang itong si Adden para gamitin si Symon upang hindi mahalatang si Caryl ang kinukuhanan niya.

Kung tutuusin ay maaari niyang kuhanan ng diretso si Caryl pero dahil sa nandito ako ay ayaw niya iyong makita ko. At tsaka nakakapagtaka ang pagkuha ng picture sa bagong kakilala 'noh! Gusto ko tuloy matawa pero dahil nasa bad mood ako ng hindi ko alam ay hindi ko magawa.

Naka-ilang kuha pa siya hanggang sa umirap ako at tumikhim ng pagkalakas-lakas. Iyong tipong lalabas na 'yong lalamunan ko sa bibig ko sa sobrang lakas. Nang lingunin ako ni Adden ay nanlalaki ang mga mata niya. Sa tingin niyang 'yon ay parang pinaparatangan niya ako ng kasalanan at kailangan ko 'yong pagbayaran.

Minsan talaga hindi mo maintindihan ang sarili mo.

At dahil sa ginawa ko ay unti-unting nagmulat ng mga mata si Caryl. Agad na umayos ng tayo si Adden at tumikhim rin tsaka ako siniringan. Ngumiwi lang ako at binalingan si Caryl na nanlalaki ang matang nakatingin kay Adden.

OA na naman po siya. Kingna!

"N-Nandito na pala kayo..." mahinang aniya na kay Adden pa rin ang paningin.

Umiling na lang ako sakanilang dalawa tsaka marahang naglakad patungo kay Symon. Marahan ko siyang binuhat at iniwan sila do'n para magpunta sa kwarto. Inilapag ko sa kama si Symon bago nagtungo sa closet para kumuha ng damit pangbihis. Doon ay bumukas ang pinto at pumasok si Caryl na namumula na parang kamatis.

Sa pangalawang pagkakataon ay gusto kong matawa sa itsura niya dahil kay Adden 'yan syempre pero dahil bad mood ako ay hindi ko talaga magawa.

"Sin―"

Wala pa lang ay nasisiguro kong anumang oras ay titili na siya kaya pinutol ko agad ang kasiyahan niya. Bad trip ako kaya damay-damay na 'to.

"'Wag kang maingay, natutulog si Symon," walang gana kong sabi, ngumuso siya. "Kung gusto mo do'n ka sa labas magtitili."

Ngayon ay nakasimangot na siya. Umiling lang ako at pumasok sa banyo upang magbihis.

Nang natanggal ko na ang damit ko ay biglang nagring ang phone ko. At dahil sa takot na magising si Symon ay lumabas ako ng banyo para sagutin ang tawag. Wala na rin si Caryl sa kwarto. Pumasok ako sa banyo para kahit sigawan ko kung sino 'yong lintik na tumawag ay ayos lang.

"Hello?" Inis na sagot ko lalo ng makita ko kung sino ang caller.

Unknown number. Tss!

Ni-loud speaker ko ito at nilagay sa lababo upang makapagbihis na.

"Sino ba 'to?" Dagdag ko pa.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now