KABANATA 6

98 6 0
                                    

BATANES PART I

Kabanata 6
Our Story

Naiilang akong lumisan sa hapag pagkatapos kong kumain. Hindi pa sila tapos. Sinadya kong tapusin agad ang pagkain ko dahil para akong mabibilaukan sa paninitig ni Lego sa akin. Ni hindi man lang niya inisip na baka makita siya ng mga kasama namin na titig na titig sakin.

Hindi na ako nagpaalam na lalabas. Pumunta ako sa receptionist sa baba para tanungin kung saan-saan kami pwedeng pumasyal dito sa resort.

"Meron po kaming malaya hills sa kabilang dulo ng resort malapit po sa entrance at hanging cliff sa isa pang dulo kung saan niyo po makikita ng HD ang lawak ng dagat. Pwede niyo rin pong dalawin ang ancestral house na malapit sa hanging cliff na noong unang panahon pa itinayo. At syempre po ang dagat sa harap. Nag-ooffer rin po kami ng jet ski ng libre sa mga may book po sa hotel. Kaya libre po kayo ma'am."

Pagkatapos kong malaman ang lahat ng iyon ay naglakad-lakad ako sa tabi ng dagat. Kung tutuusin ay kokonti ang actibidades na meron sila pero sa tuwing naiisip ko kung gaano kalayo ang magkabilang dulo kung nasaan ang malaya hills at hanging cliff ay nalulula na ako sa pagod.

Sa isip pa lang 'yan ha!

Kung manggagaling ka sa malaya hills ay talagang ilang kilometro pa ang lalakarin mo para makarating sa hanging cliff sa kabilang dulo. Ilang ektarya ng lupa ang buong resort, malawak siya. At batid kong kulang ng isang araw para ikutin ito. Pero dahil naalala kong may car rentals sila ay pwede namin iyong gawin para hindi kami mapagod.

Ayos rin sila para kumita, ano? Matalino!

Tumigil ako sa paglalakad at sumilong sa pinakamalapit na puno ng niyog. Sumandal ako sa katawan ng puno saka pinagmasdan ang kagandahan ng dagat.

Dahil tanghali na ay sobra ang init na nagmumula sa haring araw. Pinapatingkad ng kaniyang sinag ang tubig sa dagat. Malalakas ang hampas ng alon sa dalampasigan at nakaka-relax itong panoorin kahit paulit-ulit.

Sa pagkahumaling ko sa magandang tanawin sa harap ay halos mapatalon na naman ako sa gulat ng makita si Lego na pinagmamasdan ako habang nakapamulsang nakasandal sa tabing puno ng niyog na kinaroroonan ko.

Bahagya siyang ngumuso upang itago ang multong ngiti sa kaniyang labi ng makita akong magulat sa presensya niya. Ni hindi ko namalayang pumunta siya rito!

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Ang lakas na naman ng pintig ng puso ko. May problema ata siya sa tuwing nariyan 'yang kumag eh. Kainis.

"Bakit ka ba nandito?" Sinubukan kong buuin ang boses ko at nagtagumpay ako. "Palagi ka na lang nanggugulat," umiiling kong dagdag.

Naramdaman kong lumapit siya. Napalunok ako at hindi siya nilingon. Hindi ako pwedeng magpaka-apekto sa kaniya! At mas lalong hindi niya iyon pwedeng makita o maramdaman man lang!

"Ginugulat ba kita? Hindi naman ah," aniya saka matunog na ngumisi.

Bwiset!

"Ano bang ginagawa mo dito?" Naiinis nang asik ko.

"Nagpapahangin," natatawang aniya.

Nilingon ko siya sa gulat. Tinaasan niya ako ng kilay sa reaksyon ko. Hindi ko matandaan kung kailan ko siya nakita o narinig na tumawa. Ito ang unang beses sa pagkakaalam ko.

"Bakit gulat ka na naman?" Natatawang aniya.

Umawang ang aking labi ng marinig muli siyang tumawa. Bakit ba ako masyadong namamangha sa kumag na 'to? Aish!

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now