KABANATA 12

85 5 0
                                    


Kabanata 12
Kasal

MAAGA pa lang ay nasa bahay na si Tito Mier. Dala niya ang mga kailangan kong malaman para sa naatas sa akin. Hindi ko pa alam kung sino bang tao ang naka-assign sakin.

Nasa living room siya at inaayos ang kaniyang dalang mga papel na naglalaman ng impormasyon. Nagtungo naman ako sa kusina upang ipaghanda siya ng kape. Sina Symon ay Caryl ay natutulog pa. It's still early, though. Maaga rin talaga akong nagising dahil alam kong pupunta dito si Tito Mier.

I make two cups of coffee and went towards the living room. Umupo ako sa harap ni Tito Mier at nilapag sa gilid ang mga kapeng dala ko.

"After tomorrow ang start mo, Sin," aniya.

Tumango naman ako saka sumimsim saking kape.

"Bakit napaaga?"

"Dahil imbitado ka sa kasal ng anak niya."

Kumunot ang noo ko at nilapag ang aking tasa saka sumandal saking upuan.

"Paano? Sino ba 'yan?"

"He is Francis Lawson, a fil-am business man. Mayaman siya at maraming ari-arian. Mahigit sampo at hindi lalagpas sa benteng prestihiyosong hotels na nagkalat sa ibang bansa ay pag-aari niya. May dalawa siyang hotels rito sa Pilipinas. Isa dito sa Manila at isa sa Cebu. Sa Cebu gaganapin ang kasal ng nag-iisang anak niya."

"Teka, Tito. Paano nga ako naging imbitado sa kasal na iyan?"

Ngumisi siya at nagtama ang aming paningin. Binitiwan niya ang hawak na mga papel at nakahalukipkip na sumandal.

"Magkakilala sila ng Daddy mo," nakangising aniya.

Natigilan naman ako at agad ring nakabawi.

"What?!" I hissed.

"Matapos kong makuha itong mga impormasyon galing sa States ay nalaman kong magkakilala si Francis Lawson at si Michael. Kasabay no'n ay nalaman ko ring ikakasal ang anak niya at maswerteng imbitado ang Daddy mo," nakakaloko ang ngisi nito. I can sense his mockery in it. "Looks like they're that close enough to invite your father on his daughter's wedding. At kaya ako hindi nakapunta rito kahapon ay dahil kinausap ko si Kael."

"What for?" Kunot-noong tanong ko.

"To confirm the invitation. At ang sabi niya ay hindi siya makakadalo. You're father is busy. I want to recommend you that time to take his place but fortunately he has the same idea." Aniya saka kinuha ang kaniyang kape at sumimsim roon. "He also wanted you to take his place but he concluded you won't so I told him to leave it to me. Tuwang-tuwa siya nang malamang ako na ang bahala roon. I assured him that you will. Of course, you'll gladly will." Natatawang aniya.

Hindi ako agad nakapagsalita. Kung ganoon nga sila ka-close ng taong tratrabahuin ko. Hindi malabong madawit dito si Daddy!

"Pero mukhang walang alam si Kael sa kaibigan niya." Seryosong ani Tito Mier. "Alam ni Kael ang pagiging agent mo, Synesthesia. Kung may alam siya sa mga ginagawa ni Lawson ay hindi ka niya hahayaang pumunta roon."

Kinuha ko ang mga papel sa mesa at sinuri ito. Tungkol nga lahat kay Francis Lawson ang nakalagay dito.

"Bakit? Ano bang kaso nitong Francis Lawson na ito?"

"Malaki, Sin." Makahulugang ani Tito Mier. "Ang hotel na pag-aari niya sa Cebu ay minsan nang ni-raid ng mga pulis. May informer na nagsabing pinagtataguan ito ng droga at mga hindi rehistradong mga armas. Ngunit nang makarating ang mga pulis roon ay wala silang nakuha. Malinis ang hotel at walang bakas ng droga o armas gaya nang sabi ng informante."

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now