KABANATA 7

95 7 2
                                    


BATANES PART II

Kabanata 7
Nice One, Allen

Pagkababa namin ng sasakyan ay halos hindi sila nagsasalita. Nailing na lang ako. Ang hanging cliff ay aakyatin pa namin. Hindi naman ito mahirap akyatin dahil mukha siyang talampas. Ang mga kulay berdeng damo ay hanggang paa lang ang laki at hindi makati.

Ilang lakad lang ang ginawa namin ay nasa dulo na kami. Kaniya-kaniya kami ng singhap matapos makita ang High Definition na kulay asul na karagatan. And as usual, panay na naman ang picture nila. Hindi na lang ako nakisali. Binusog ko ang paningin ko sa magandang tanawing nakikita ko. Kahit na hindi ko ito kuhanan ng picture alam kong mananatili ito sa isip ko. I already saved it in my memories. I think this is the perfect place for the people who lost their selves.

So blue. So peaceful. I really love seeing the nature. I love how beautiful every God's creation. He's really amazingly awesome for creating this breathtakingly beautiful things in the world.

"Sin, gusto ko mag-swimming. Gusto ko na magkakulay!" Excited na tili ni Caryl.

Natawa ang mga kasama namin.

"Hmm. Ang puti mo nga. Parang wala kang dugo," ani Bettina.

Tumango si Caryl. "Lumaki kasi ako sa States. Syempre kailangan balot na balot ka do'n dahil sa lamig. So I'm taking the opportunity to get tan."

"Oo na. Swimming tayo after natin sa ancestral," umiirap na sagot ko.

"Eehh!" Nakangusong apila niya. "Diretso na tayo sa beach, please."

"Medyo mainit pa oh!"

"Duh? Sin, 'yong araw nga ang kailangan ng balat ko eh."

"Oo nga. Swimming na tayo. Walang masyadong tao kanina sa beach front eh." Ani Kath.

"See? They also want to swim. Common. Sin!" Pilit ni Caryl.

"Oh edi mag-swimming kayo. Hindi ko naman kayo pinipigilan, tss!" Asik ko.

"Halla! Ang sungit ni Synesthesia," natatawang ani Jux.

"Manahimik ka! Hindi kita kinakausap, Velasco."

"Sungit ni Mrs. Ocampo oh!" Aniya.

"Anong Mrs. Ocampo?" Nanlalaki ang matang asik ko sakanya.

Tinawanan niya lang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. Akma ko siyang susugurin nang hilahin ako ni Adden sa balikat at umakbay ulit para pigilan ako.

"Tama na. Ang init na naman ng ulo mo eh," medyo natatawang aniya.

Nilingon ko siya at sinamaan din ng tingin. Kinindatan niya lang ako. Inirapan ko siya.

"Whatever!" Inis pa ring ani ko.

"Woah! Si Adden lang pala makakapagpakalma sa isang Synesthesia eh," asar naman ni Vandros.

Nagtawanan sila maliban kay Lego na nakatingin lang sa dagat. Umirap ako at umiling na lang sakanila.

Gaya ng gusto ng nakararami ay bumalik na kami sa suite para maghanda sa swimming. Nakabusangot lang ako all the time dahil sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung alin ang puno't dulo ng inis ko. Nang alalahanin ko ay agad akong nagsisi.

Nagsimula ito nang mag-usap kami ni Lego. Tsk!

Nakaupo ako sa kama habang ang likod ko ay nakasandal sa headboard. Na kay Adden naman si Symon na nasa veranda ng aming suite. Nakahalukipkip akong naabutan ni Caryl pagkatapos niyang lumabas sa banyo.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now