Joyce Pov
"Nak? Pagbutihan mo pag-aaral mo dyan ha? Alam ko mahirap din para sayo na hindi tayo magkasama pero kailangan mong tiisin anak para sayo din yan.."
"Opo ma. Miss na kita ma. Ingat ka po palagi dyan ha? I love you mama ko."
"Nak? Una na ko. Ingat ka dyan palagi ha? I love you anak.."
"Teka ma..."
Toot..toot..toot..
Binaba ko na yung telepono matapos ng maikling usap namin ni mama. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa ibang bansa pa siya nagtatrabaho, miss na miss ko na talaga siya ..:(
Nakahiga na ko sa kama ko ng maalala ko na unang araw ko bukas sa bago kong school. Napabangon ako bigla at kinabahan, para akong timang na naman na hindi matahimik.
"Grrrrrrr!"
Pasabunot ko sa buhok ko, dahil sa kaba at inis !
"Joyce ! Relax ka lang wala lang yun hindi naman big deal nasa bagong school kana nag-aaral eh, tsaka ano kung new student ka? Wala yan! tiwala lang kaya mo yan"
Humiga ako at sinubsob ang mukha ko sa unan, kinakabahan talaga ako dahil una wala akong kakilala dun at pangalawa madami akong naririnig na maraming mayayaman at bully sa school na yun. Ewan ko ba? At paano ako nakapasa sa scholarship exam dun :(
(Sus ! Eh sisiw nga lang sayo un eh) sabi ng utak ko na nagpabahala sakin.
"Hay nako naman, bakit sa ibang universities hindi ako nakapasa? Bakit dun pa?"
Alam ko na ang Paranoid ko pero sino ba kasing matutuwa kapag nalaman mo na sa isang university ka magaaral kasama ang mga mayayaman at mayayabang na tao? Matutuwa ka kaya?
(Eh bakit ka nagtake ng exam dun?) Singit na naman ng utak ko..
"Grrrr ! Ayaw ko na makatulog na nga.."
KINABUKASAN
Naglalakad ako sa may corridor at feeling ko nakatingin silang lahat sakin at sinasabihan ako ng kung ano-ano, binilisan ko na lang ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa room ko at sakto naman na nakasalubong ko ang teacher ko. ^_^
"Good morning sir" masiglang bati ko sa matabang lalaki na nasa harap ko. :)
"Ikaw ba ija ang new student sa klase ko?"
"Opo. Sir!"
"Ah sige maghintay ka dito at ipapakilala kita sa mga magiging kaklase mo."
Binuksan na nya ang pinto at pumasok , bigla na naman akong kinabahan at sa tingin ko mas malala pa to kesha kagabi..
"Kaya mo yan joyce! Simple lang nmn yan eh" pagtapos kong huminga ng malalim ay pumasok na din ako sa loob.
"Makinig kayo! Gusto kong ipakilala sa inyo ang inyong bagong kaklase, magpakilala kana binibini."
Huminga ako ng malalim at tinaas ang noo ko ng walang takot.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Joyce Guevarra, nagagalak akong makilala kayo"
Tahimik lang sandali at nagsalita ulit si Mr. Ramirez
"Makakaupo kana binibining Guavarra" sabi sa akin ni sir.
Agad kong nilibot ang tingin ko at may nakita akong bakanteng upuan na malapit sa dulo at sa may bintana , walang pakundangi ko yung pinuntahan at umupo na kaagad..
Nakahinga ako ng maluwang pagkatapos nun, nabigla na lang ako ng makita ko ang isang lalaki na nakatingin sa akin..
"Hmp. Ano pong kailangan nyo?"
Hindi ito umimik at inalis agad ang tingin nya sakin. Nakita nyo na? Ang yayabang ng mga tao dito.'-_-. Hay nako makapag-aral na nga..
***
Hi reader's ! Medyo magulo ba ? Nasa flashback pa tayo guys. Mabilis lang to promise ! :) keep in touch :*
@Jerseynumber_26
BINABASA MO ANG
Past or Present ?
Humor"Akala ko mahal mo ko , akala ko lang pala un.." "Mahal naman kita eh..." "No ! Hindi mo ko mahal at hindi mo ko kailanman minahal.." "Makinig ka please?" "Ayoko na.." "Tama na.." Natapos ang lahat ng pinagsamahan ng dahil lang sa hindi maipaliwanag...
