Dom Pov
"The Girl of my dream :) <3"
Matapos kong ipost yan sa fb, wala pang ilang minuto dinadagsa na ng likes at comment.
Nandito ako ngayon sa condo kakauwi ko lang galing galaan.
Naglialiw lang kasama si jet..
Bigla na lang akong natahimik at naalala na naman siya..
Napahilamos ko ang kamay ko sabay suklay sa buhok ko..
"Psh! Kaya ayaw kong walang ginagawa eh.." sabi ko sa sarili ko.
Nagfa-flashback na naman sa isipan ko ang mga nangyari noon, yung mga panahong nakikita ko pa siya at nasusungitan niya ko..
"Grr! Shet..!" Sigaw ko dito sa kwarto..
"I miss you joyce... im sorry.." bulong ko sa sarili ko at ito na naman ang mga taksil kong luha nagbabagsakan na naman sila..
Nakisabay din ang panahon at umuulan ngayon. Pakiramdam ko dinadamayan ako ng bawat patak ng ulan..
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta malapit sa bintana at pinagmasdan ang patak ng ulan..
"Kamusta ka na? Sana nasa mabuting kalagayan ka.." bulong ko sa hangin, kinakausap ko siya kahit na alam kong wala namang tutugon..
Noong nilibing siya hindi ako pumunta, nahihiya ako..At hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. Alam ko ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat eh..
Naiinis ako sa sarili ko bakit kasi hindi ko na lang kagad sinabi na mahal ko siya.. siguro.. siguro ngayon masaya kami..siguro ngayon masaya ako kasama siya..
Kasalanan ko din kung bakit ako nagdudusa ngayon..
"Mahal kita joyce sobrang mahal kita .." pahikbing sabi ko ulit sa hangin..
*Ringgggggg*
Narinig kong may tumatawag sakin kaya pinunasan ko muna ang mata ko at umubo konti para hindi magmukhang umiyak ako kapag nagsalita ako sa telepono..
"Hello?"
"Dom? Brad tara may night party dito sa makati! Hahaha daming chix pare! Dalian mo!"
Psh! Si jet lang pala, at un nagyayaya na naman.
"Sige pre! Antay mo ko dyan!" Sagot ko naman sa kanya..
"Yun! Hahaha dalian mo uunahan na kita. Hahaha!" Excited at aliw na sabi niya..
"Gag*! Wala akong pake sayo. Hahaha! Sge na pupunta na ko.!" Pagkukunwari ko na lang sakanya..
Hindi ko na siya inantay na sumagot at binaba ko na ang telepono ko..
Pumunta na ko ng banyo para makaligo at makapag-ayos. Pupunta na ko sa bar, magpapakasaya ulit at pipilitin kong maging okay kahit kunware lang..
Bago ako umalis bumulong ulit ako..
"Mahal kita joyce, ikaw lang.."
At lumabas na ko sa pinto ng condo ko na parang walang nangyare ..
***
Hi Readers! Kaway kaway! :D
What do you think sa flow ng story? okay lang ba? :) if you have thoughts and suggestions you're free to tell me just comment and don't forget to vote. ^O^ <3 <3
Jerseynumber_26
BINABASA MO ANG
Past or Present ?
Humor"Akala ko mahal mo ko , akala ko lang pala un.." "Mahal naman kita eh..." "No ! Hindi mo ko mahal at hindi mo ko kailanman minahal.." "Makinig ka please?" "Ayoko na.." "Tama na.." Natapos ang lahat ng pinagsamahan ng dahil lang sa hindi maipaliwanag...