Chapter Thirteen(Nightmare)

99 3 0
                                    

Dominic Pov

"Hindi! joyce! joyce.. hindi..Joyce!"

napabangon ako nang maulit na naman ang panaginip na lagi ko na lang napapanaginipan..

Paulit ulit sa isipan ko ang alala , simula sa araw na nakita ko siya..

nakilala.. at ang araw na nawala siya..

dalawang taon na ang nakakalipas pero ito padin ako, klaro pa din sa aking alaala ng nakaraan..

naluluha pa din ako at pakiramdam ko isang malaking katangahan ang nagawa ko..

kahit dalawang taon na ang nakakalipas naririnig ko padin ang pagtataray niya at ang mga reklamo niya dahil sa ugali ko..

"Sorry! sorry!.." paulit ulit nasabi ko pero alam kong hindi sapat ang sorry para sa isang buhay na nawala..

Tumayo na ako papauntang comfort room para makaligo at ng makapasok na..

Naglalakad na ako papasok ng Univ ng may tumawag sakin..

"Dom?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses kadahilanan upang mapalingon ako.

"Oh? ivan!"

Kolehiyo na ko at magkakasama na kami nila jet at ivan katulad ng napagusapan namin noon..

"Nakita mo na ba si jet?" tanong nito saakin.

"Hindi." tipid na tugon ko dito..

Gusto kong ipakita sa kanila na okay na ko sa pagkawala niya, gusto kong sabihin sa lahat na okay na ko, pero kahit magpanggap pa ko hindi ko maitatangi na gusto kong ibalik ang noon para masabi at maiparamdam ko sa kanya ang tunay kong nararamdaman..

Flashback

"Tarantado ka! Ano sinabi ko sayo ha? ang usapan pagtitripan nyo lang pero anong ginawa nyo? Mga gag* kayo.."

"Brad! ano bang nangyayare sayo? ayun naman gusto mo diba? gusto mong turuan ng leksyon?" sabat ni kurt ang gag*ng pumatay sa babaeng mahal ko..

sinuntok ko siya ng sinuntok, gusto ko siyang patayin, gusto kong mawala na siya sa mundo..

"Dom! tama na pre!" pagpipigil sakin nila jet at ivan..

Umiiyak na ko at nandidilim na ang paningin ko, gusto kong gumanti, gusto kong pumatay..

"Dom? anong nangyayare sayo ha? mahal mo na ba si joyce?" pagsigaw sakin ni ivan..

"Tang*na! oo mahal ko na siya. Oo mahal na mahal pero wala na siya ng dahil din sa akin..!"

Humahagulgol na ko at nakaupo sa lapag.. wala na akong paki kung ano pang isipin nila! Nanggigigil ako.. Nanlulumo at nanghihina..

Kung buhay ko ang magiging kapalit para maibalik ang lahat. Handa akong ibigay maibalik lang siya. Maibalik lang ang Joyce Guevarra na minahal ko..

End of Flashback

"Hi dom!"

"Good Morning dom!"

"I love you dominic!"

Halimbawa pa lang iyan ng mga bati sa akin tuwing umaga o kahit anong oras. At para "daw" malibang ako sabi ng mga kaibigan ko simulan ko daw sa pagfiflirt na routine naman talaga namin nung mga bata pa kami.

"Hi babe!" sweet na sabi ko dun sa isa sabay kindat..

Kung dati nagagawa ko pang magenjoy sa lahat ng kalokohan namin ngayon parang nadala na ko..

Ayoko ng maulit ang nakaraan..

Ayoko ng magkamali ulit..

I don't want to repeat the same mistake again..

***

Past or Present ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon