Dom Pov
Flashback
"Pare? Pwede ba tayong magusap?"
Anyayang tanong sakin ni ivan pagkadating na pagkadating niya.
Agad naman akong tumango at pareho kaming napatingin kay jet. Mukhang alam na niya ang gustong iparating namin kaya naman iniwan niya kami for privacy.
"Mukhang seryoso ata tayo ngayon ivan?" Pangaasar ko sakanya.
"Dude! Mitch likes you." Direktang sabi nito.
"Pfft. Whahahahaha! Hahahaha!" Halos hindi ko alam kung ano ang irereact ko sakanya. Napakapit ako sa balikat niya at inalalayan naman niya ko.
Iba talaga nuh? Lakas ng trip ng mundo! XD
"Brad seryoso ako.." dugtong naman niya na nakapagpatigil sakin. Umayos ako ng tayo at tinitigan siya.
Lumipas ang ilang segundo at nagsalita siyang muli..
"Hindi totoo na kami talaga alam ko na alam mo na magbest friend lang kami at nakababatang kapatid lang ang turing ko sakanya. Plinano niya na kunwaring maging kami para mapalapit sayo at.." hindi ko na siya pinatapos at nagtanong ako.
"Anong kagaguhan toh?" Kunot noong tanong ko sakanya.
Hinawakan niya ang kwelyo at nanggagalaiti sa galit.
"Tangina dom! Hindi to gaguhan mahal ka niya kaya pwede ba umayos ka?" Sigaw nito sakin. Napapatingin na samin ang ilang tao sa paligid namin at mukhang iniisip nila na nagaaway kami..
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kwelyo at naglakad papalayo. Alam niyang nakakuha ng atensyon ang ginawa niya kaya naman sinundan niya ko papalabas ng private room namin dito sa club.
Nang makalabas na kami hinarap ko siyang muli.
"Ivan..Paano namang mangyayari yang sinasabi mo ha? Eh hindi pa nga kami close ni mitch eh, ni hindi pa nga kami nakakapagusap ng kami lang dalawa o kaya naman wala pa nga kaming communication eh! Alam mo brad kabaliwan yan eh. Tsaka come on dude! ako? Magugustuhan ni mitch? You've got to be kidding me huh?" Pagpapaliwanag ko naman sakanya.
"Alam mo dom? Hindi naman un nasusukat dun eh.. kahit naman ako nung una nagtaka ko kung paano ka niya nagustuhan eh and to think na aabot sa point na masasaktan siya dahil mahal ka na niya.."sagot naman niya..
"Mahal? Seryoso kaba? Mahal niya ko? Tsaka nasaktan? Tangna ano bang ginawa ko ha?"
"Oo mahal ka na nung tao, unang beses ka palang niyang makita at makausap nung nasa coffee shop tayo she already fell inlove with you. Ang O.A tingnan pero bakit ikaw? Nalove at first sight ka din naman kay joyce diba?"sigaw nya sakin. And it shut me.
Tama siya! Nalove at first sight din ako kay joyce nun at hindi ko din alam kung paano ko siya minahal ng ganun kabilis kahit na nagtarayan lang kami nun at wala pang closeness between us.
"Ikaw nga na lalaki nalove at first sight siya pa kayang babae?" Dugtong niya..
Pero paano? Bakit ako?
"Ngayong alam mo na, na sasayo na un kung ngayon palang irereject mo na siya dahil nga sa mahal mo parin siya.." at umalis na siya sa harapan ko para bumalik sa loob ng club.
Alam ko kung sino ang tinutukoy niyang mahal ko parin pero magulo parin para sakin ang mga binitawan niyang salita. Tungkol sa nararamdaman sakin ni Mitch. Isa lang ang maliwanag para sakin. At un ay ang si joyce.. si joyce lang talaga..
End of flashback
Natapos na ang pagpeperform namin at gumugulo parin sa isipan ko ang mga sinabi ni ivan, buti na lang at nakapagconcentrate parin ako sa gig namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Past or Present ?
Humor"Akala ko mahal mo ko , akala ko lang pala un.." "Mahal naman kita eh..." "No ! Hindi mo ko mahal at hindi mo ko kailanman minahal.." "Makinig ka please?" "Ayoko na.." "Tama na.." Natapos ang lahat ng pinagsamahan ng dahil lang sa hindi maipaliwanag...