Dom Pov
Hindi ko inaasahang makakayanan kong humarap sa puntod niya..
Akala ko hindi ko kaya,
Tama ang sabi sakin ni jin bago kami grumaduate.
Flashback
"Dom?" napalingon ako sa tunawag sakin. Si jin.
Tumalikod akong muli dahil alam kong magdadrama na naman to sakin.-_-
"Best friend naman eh? nakakatampo ka na ha?!" pagmamaktol niya na may kasama pang padyak. Psh.
"Ano ba yun?" tanong ko sa kanya.
"Hehe. mamimiss kita best friend! Ingat sa college ha? tsaka move on, move on din. sge babye"
Bago pa ko makapagrespond eh nakalayo na siya.
'Move on? Hays.' napabuntong hininga ako at napatingala sa langit..
'Kamusta ka na?' tanong ko sa hangin.
Nagagalit talaga ako sa sarili ko. Ako ang dahilan ng pagkawala ng babaeng mahal ko..
End of Flashback
Paano ako makakamove on kung mahal ko pa siya? Paano ko siya makakalimutan kung siya ang laging nasa isip ko?
At paano ako magpapakasal kung siya lang at wala ng iba ang mahal ko?
Kahit alam kong masasaktan ko si mitch at magmumukhang ginawa ko lang siyang rebound kailangan talagang magkunwari akong ayos lang saakin na maikasal kami.
Desperadang desperada ang nanay niya para maikasal kami ng dahil lang sa kabit ang nanay niya at wala siyang makukuha kahit katiting sa tatay niya. Masyadong mapride ang nanay niya kaya niya to ginagawa at pumayag ako dito hindi lang dahil dun, gusto ko ding ipahinga ang isip ko at magmove on..
Siguro ito na ang best way para nakalimutan siya.. siguro si mitch talaga ang babaeng karapat dapat sakin.
Matapos masabi ng mama ni mitch sakanya ang tungkol sa arrange marriage agad ko siyang kinausap at ikinabigla ang mga sinasabi niya..
"Mitch?"-ako
"Dom? you don't need to do this. Hindi porket gusto kita eh papayag akong magpakasal sayo. Oo aaminin ko medyo na tuwa ako pero ayokong ipilit ang sarili ko sa mga bagay na hindi para sakin."-Her.
At naglakad na siya palayo. Sa mga sinabi niya ang ekspresyon ng mukha niya at itsura niya ay iba sa nakita kong mitch noong una.
'Pagod at nahihirapan siya..' nasabi ko sa isipan ko.
Siguro hindi lang ako ang may kailangan ng peace of mind, siguro hindi lang ako ang sumuko at nabigo sa pagaakalang may happy ending. Siya din pala..
Mitch Pov
Nang matapos ang diskusyon pakiramdam ko mas lalo pa kong nanlumo. Arrange marriage?
Ano to? Desperate measure? Oo mahal ko si dom at natuwa ako na makakasal kami but after knowing that his still love his past and knowing the fact that it still an arrange marriage. No Love and No Infatuation. Fuck.
Gusto kong isipin na baka pwede na, pwede ng maging kami kahit sa ganitong panimula, pero i can't stop thinking that it still an arrange, and to think na ginawa to ng mommy ko to protect her pride and ego. Iniisip niya kasi na porket second family kami eh kailangan na niyang ipakita sa magaling kong ama na iba ang anak niya, na may karapatan itong maging legal family at yun ay sa paraang arrange marriage.
Lalo lang gumugulo, lalo lang akong nahihirapan. Paano ko siya makakalimutan kung ikakasal kami? Is this destiny or this is the way to wake me up?
***
![](https://img.wattpad.com/cover/18442872-288-k241836.jpg)
BINABASA MO ANG
Past or Present ?
Humor"Akala ko mahal mo ko , akala ko lang pala un.." "Mahal naman kita eh..." "No ! Hindi mo ko mahal at hindi mo ko kailanman minahal.." "Makinig ka please?" "Ayoko na.." "Tama na.." Natapos ang lahat ng pinagsamahan ng dahil lang sa hindi maipaliwanag...