Joyce Pov
Sa sobrang kaba at pagkailang, nagtaas ako ng kamay para makuha ang atensyon ng teacher namin..
"Sir? Can i go to the girl's room?"
"Ah sige, binibining Guevarra."
Papaalis na sana ako ng tawagin ako ulit ni sir..
"Binibining Guevarra?.."
Humarap ako sakanya at..
"Gusto ko lang malaman mo na filipino ang salita kapag ikaw ay nasa aking klase, tandaan mo sana iyan."- Mr. Martinez
"Ah..eh.. Opo. Ginoong Martinez"-ako
Pasimpleng nagsingisian ang mga kaklase ng dahil lang sa simpleng kahihiyan na yun. Psh ! Ambabaw naman nila.-_-
'Eh ikaw? Alam mo ng tagalog ang history nagenglish ka kasi..'
"Shatap!" Inis na sabi ko sa isip ko..
Nasa loob ako ng Comfort room ng babae ng may marinig akong sigaw..
"Dominic.. ano.. ka.kasi. Mahal kita dominic pwede ba kitang maging boyfriend?"
Lumabas ako sa cr para matingnan kung anong nangyayari sa labas at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na may kasamang babae..
'Psh ! Korny sa corridor pa gumawa ng eksena..' pabulong na sabi ko sa sarili ko. Maglalakad na sana ako at lalagpasan ung dalawa pero napatigil ako ng magsalita ung lalaki..
"Don't touch me."
Say what? :O tinde ng lalaking to oh?! Kapal ng mukha kala mo kung sino. Geez.
Nang tingnan ko yung babae naawa ako sa mukha nya para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa pagkakaturn down sa kanya nung walastik na ugok na nasa harap nya, kaya ang ginawa ko nung tatalikod na yung lalaki lumakad ako papalapit at sinuntok ito. Ayaw na ayaw ko sa lahat yung mga taong mayayabang na kala mo may bagyo sa utak. Geez.
"What's wrong with you?"- sigaw na sabi nung lalaki sa akin pero hindi ko lang to pinansin at pinuntahan yung babaeng mangiyak ngiyak na..
"Hoy! Bakit mo ko sinuntok? Kapal mo din nuh?"- sigaw ng lalaking ugok na yun.
'Psh! Kalalaking tao ang dada masyado..' singit ko sa isip ko habang papunta sa babae..
Ng makalapit na ko. Binalik ko ang tingin ko sa lalaking iniwan ko kanina lang. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. At binalik ang tingin ko sa babae..
"He's not even worth it. You don't deserve that j*rk." Diretso at walang pakundanggi kong sabi sa babae. Nagulat ito at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Okay? Ako na masama -_-
Eh sa totoo naman eh, hindi naman kagwapuhan tsaka sinong magkakagusto sa lalaking walang respeto sa babae at may hangin sa utak? Psh !
Magsasalita sana yung lalaki ng unahan ko siya..
"Wag kang presko, hindi ka gwapo."
Boompaness ! Pahiya at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napanganga siya at namumula sa galit.
'Tsk. Pangit talaga.' Sabi ko na naman sa likod ng isipan ko.. at iniwan silang pareho para bumalik na sa room. Masyado ng eksena. Psh!
Kaasar talaga.. totoo nga talagang mayayabang mga tao dito.>.
***
BINABASA MO ANG
Past or Present ?
Humor"Akala ko mahal mo ko , akala ko lang pala un.." "Mahal naman kita eh..." "No ! Hindi mo ko mahal at hindi mo ko kailanman minahal.." "Makinig ka please?" "Ayoko na.." "Tama na.." Natapos ang lahat ng pinagsamahan ng dahil lang sa hindi maipaliwanag...