Chapter Fourty (The End)

36 2 0
                                    

Mitch Pov

"Akala ko mahal mo ko , akala ko lang pala un.."

"Mahal naman kita eh..."

"No ! Hindi mo ko mahal at hindi mo ko kailanman minahal.."

"Makinig ka please?"

"Ayoko na.."

"Tama na.."

Matapos ng usapan namin ni dom. Hindi parin ako makapaniwala na nakikipaghiwalay siya ng dahil sa nakita niya muli si joyce. Ano yun gag*han lang? Kahit minsan ba minahal niya man lang ba ko? Lahat ba ng pinakita at pinaramdam niya totoo ba lahat yun? Did he really mean that i love you? Pero.. alam ko, nararamdaman ko at naramdaman ko na totoo lahat ng iyon. Siguro, siguro pwede pa naming pagusapan. Pwede pa naming maayos to, magiging okay pa kami. Alam ko dahil mahal ko siya at mahal niya ko.

Kinabukasan, tumakas ako kinagabihan para puntahan at kausapin siya. Kailangan naming magkita. Wala na kong pakialam kung buhay man si joyce. Ang importante, kami. Yung may kami. Alam ko mahal ako ni dom. Oo mahal niya ko. Kailangan kong macontact si ivan, alam ko na alam niya kung nasan ngayon si dom.

"Hello?"-ivan

"Van? Van nasan si dom ngayon? Nasa condo ba siya? Kasama mo ba siya? Nasa club ba siya? Asan si dom?" Walang kagatol gatol kong tanong.

"Mitch! Where are you? Fck. Nasaan ka?" Sigaw naman niya sa kabilang linya.

"No. No. Listen okay? I need to see dom right now. Please take me to him. Please ivan im begging you." Pakiusap ko sakanya.

"Okay. Just tell me where are you and i'll take you to him. Okay?" Mahinahon na smabit niya. Ilang mga minuto pa ang lumipas sinundo na ko ni ivan dito malapit sa bahay namin. Pinakiusapan ko siya na huwag niya munang sasabihin kay mommy o kahit kanino pa man. I need to talk to dom. I need to see him. I need him.

Nasa byahe kami ni ivan at ramdam ko ang pagkainis sa mukha niya. Madiin ang hawak sa manibela at nagtatagis ang mga panga. Sorry ivan. Nang makarating sa isang restaurant tinanong ko si ivan.

"Anong ginagawa natin dito? Diba dapat sa condo tayo ni dom?" I asked.

Pero imbis na sumagot lumabas siya ng kotse at binuksan ang kabilang pinto at tsaka niya ko hinawakan papasok ng restaurant. Hindi ko siya maintindihan kaya naman nagpupumiglas pa ko pero ng makita ko siya ...

Hindi ko alam parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko kaya naman napakapit ako kay ivan na tila kanina lang eh nagpupumiglas ako. Ramdam kong nabigla din si ivan sa nakita niya balak sana niyang sugurin sila pero pinigilan ko siya. Nagbabadyang tumulo na naman ang mga luha sa mata ko. Akala ko kasi pwede pa, akala ko magiging okay pa, akala ko kasi minahal talaga niya ko. Tumalikod ako at tumakbo papalayo. Alam ko na ang lahat, tapos na kami.

***

Past or Present ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon