Third Person Pov
Pagkaalis na pagkaalis ni dominic sa table kung saan nandun ang mga kaibigan niya nagtungo siya sa wine station para uminom ng may biglang lumapit sa kanyang isang dilag.
"You're alone?" Tanong ng babae sa kanya.
Alam ni dom na flirt lamang ang gusto ng dilag kaya naman hindi na lang siya kumibo at hindi tiningnan ang dalaga ngunit mukhang mapilit ang babae at bumulong pa kay dom..
"What a rude attitude huh? I know you like me too.." sambit ng dilag na nagpasamid kay dom.
Sa isip isip ng binata masyadong mataas ang confidence ng dalaga para sabihin sa kanya iyon kaya naman pinagbigyan niya ito at nakipagflirt na lamang.
Nagkaroon sila ng kaunting tawanan at syempre flirt session ng may biglang naalala si dom sa pangalan ng lalaki na binanggit ng dilag..
"Do you know kurt? Kurt Mangahas to be exact. Oh God! He's a damn hot and you know how good kisser he was. Well, unless you're also a good kisser.." papalapit ang dilag sa binata na parang hahalikan ito at sinasabi ang mga huling salita sa aktong pangaakit ngunit wala anu-ano'y iniwan ni dom ang dalaga at agad na lumabas.
Nagbabalik na naman ang mga alaala ng nakaraan. Nanginginig siya habang pinapaandar ang sasakyan niya at halos maluhaluha ng maalala niya ang babaeng mahal niya. Si joyce. Dumiretso siya ng sementeryo upang puntahan ang puntod ng mahal bagkus hindi niya alam na nakasunod sakanya si mitch.
"Joyce.." basag na banggit ng binata sa harap ng puntod ng mahal. Umiiyak ito at paulit ulit na humihingi ng tawad. Nakaluhod at halos nagmamakaawa sa puntod.
Nang makita ito ni mitch hindi niya kinaya at umalis siya agad. Ngayon alam na niya na wala talaga siyang pag-asa. Walang pag-asa sa kanilang dalawa ng lalaking mahal na mahal niya.
Ngayon lang naging malinaw sakanya ang dahilan kung bakit ikinuwento sakanya ni aliza ang tungkol sa nakaraan ni dom..
Pagkauwi na pagkauwi ng dalaga sa kanyang condo hindi na niya mapigilang umiyak ng umiyak.
*Ringggggg*
"H-Hello? Mom?"
"Mitch? Listen.. Me and your dad, were getting divorce.."
***

BINABASA MO ANG
Past or Present ?
Humor"Akala ko mahal mo ko , akala ko lang pala un.." "Mahal naman kita eh..." "No ! Hindi mo ko mahal at hindi mo ko kailanman minahal.." "Makinig ka please?" "Ayoko na.." "Tama na.." Natapos ang lahat ng pinagsamahan ng dahil lang sa hindi maipaliwanag...