CHAPTER 6 : NEW HOUSE

343 16 0
                                    

YongSun's POV

"Yongkong~ Wake up."

"Hhmm..."

"We're here, baby."

Hearing those words from her made my heart flutter. Ansaya tuloy ng gising ko. Bumaba na kami para tignan ang bago naming bahay. Wow.

Simpleng apartment lng siya pero angganda niya. May mini garden sa harapan. Tatlong magkakadikit na apartment ang nandito.

Lumabas ang isang babaeng nasa edad 40's mula sa unang apartment. Nginitian niya kaming dalawa ni Byulkong.

"Hello. Kayo ba sina Moonbyul at YongSun?"

"Opo. Ako po si YongSun, siya naman po si Moonbyul." sagot ko.

"Ang gaganda nyo naman. Ako si Elena. Call me "Tita Elena". Dati akong katulong kina Seulgi. Halika, ipapakita ko sa inyo ang titirhan nyo."

*****

Not bad. Ang cool sa loob ng bahay. Hindi mainit. May kitchen, CR at isang kwarto. Malaki rin ang sala. Nung tinanong namin kung magkano ang renta, sabi niya ay bayad na daw kami.

Ang laki talaga ng naitulong ng osong yon samin... Hindi kataka-taka kung bakit siya nagustuhan ni Irene.

"Yongkooonngg~ Come here." pagtawag sakin ni Byulkong sa kwarto.

Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga siya sa comforter. She patted the side beside her kaya humiga ako sa tabi niya. Niyakap niya naman ako pagkahiga ko.

"I'm happy that we're together in the same house... That I'm with the woman I love."

"Cheeeessyy. *laugh*"

She hugged me tight. Sobrang lapit na namin sa isa't isa. I could feel her breath in my neck. Shit.

"YongSun-ah." she said my name in a husky voice.

Damn. Don't be like this Byul.

"You're making me fall for you even deeper."

With that, she faced me and started to kiss me.

The Collision Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon