Seulgi's POV
Nandito na kami ngayon sa ospital. Dinala sa operating room si Yongsun. Si Byul kanina pa siya nangungulit na pumasok sa operating room pero hindi kase talaga pwede. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya.
"Magiging okay din siya. Be positive."
Tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Sina WheeIn, Yeri at Joy naman ay medyo kumalma na mula kanina. Napakalma sila ni Baechu kahit papano.
"I can't... Live without her."
"Lalabas siya ng operating room ng okay na siya. Maniwala ka lng sa kanya. Di ba sabi niya hindi ka niya iiwan... Tiwala lng."
"Family of the patient?"
Tumayo kaming lahat nang lumabas ang doctor galing sa operating room. Halos tatlong oras na kase kaming naghihintay kaya alalang-alala na kami lalo na si Byul. Malapit pa naman sa puso ung pagkakatama ng bala.
"Ako po, doc. K-kamusta na po siya? A-ayos lng po ba s-siya?"
"Tatapatin ko na kayo. The operation was successful. But... She's in state of coma."
Heol...
Moonbyul's POV
"Tatapatin ko na kayo. The operation was successful. But... She's in state of coma."
"C-coma?"
"Let's just hope and pray na magising siya agad. Ililipat na namin siya sa ICU. Excuse me." Umalis na ang doctor matapos sabihin yun.
Napaupo na lng ako sa narinig ko. Comatose si Yongkong... Wala pa ring tigil ang pagpatak ng mga luha ko.
"I need to see her."
Tumayo na ko at naglakad papuntang ICU nang biglang may humitak ng braso ko. Si WheeIn at Hyejin...
"Sasama kami, unnie."
Nagsuot muna kami ng hospital gowns at masks bago pumasok ng ICU. Pinakamarami na daw ang tatlong tao na pwedeng pumasok. Umupo ako sa tabi ni Yong at hinawakan ang kamay niya. Sina WheeIn at Hyejin ay nakaupo sa kabilang side.
"Yongkong... Gising na. Magpapakasal pa tayo eh."
Sabi mo hindi mo rin ako iiwan... Hihintayin kita magising at sisiguraduhin kong magbabayad si Minhyuk sa ginawa niya.
"Si Minhyuk? Ano ng balita sa kanya?"
Naikuyom ko na lng ang kamao ko nang banggitin ko ang pangalan niya. Siya ang may kasalanan ng lahat ng to.
"N-nagpakamatay siya, unnie. Pagkatapos niyang barilin si Yongsun unnie ay binaril niya rin ang sarili niya." sagot ni Hyejin.
**************
Halos isang oras din kami doon sa ICU. Gustuhin ko mang magtagal ay hindi na pwede. May oras lng ang pagbisita sa pasyente. Ipinakuha ko na lng kina Joy ung mga gamit naming naiwan sa hotel ng resort.
"Unnie, umuwi ka muna. Maligo ka muna at kumain ka."
"Sige lng. Mauna na kayo ni Hyejin umuwi."
"Unnie..."
"Ayoko pang umuwi. Babantayan ko si Yongkong."
Narinig ko namang nagbuntong-hininga si WheeIn at umalis. Maya-maya ay si Irene ang lumapit sakin.
"Tara. Uwi muna tayo."
"Ayoko. Kayo na lng."
"Byul... Sa tingin mo ba matutuwa si Yongsun kapag nakita ka niyang ganyan? Uwi muna tayo para makaligo at makakain ka tapos ihahatid ka namin ulit dito."
Tumingin naman ako sa sinabi niya. Tama siya... Hindi matutuwa si Yongkong pag nakita niya kong nagiging pasaway. Pero ayoko namang iwan siya dito.
"Babalik tayo dito. Ihahatid ka namin ulit ni babybear tapos sasamahan ka namin. Promise. Ano? Tara na?"
"*sigh* Fine."
Tinignan ko muna si Yongkong ulit mula sa labas ng ICU bago kami umalis. Hihintayin kita, Yongkong.
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...