Yongsun's POV
Last day na namin ngayon dito sa Pilipinas. Mamaya na kami mag-iimpake tapos bukas na ung flight namin. Mamimiss ko ung isaw at kwek-kwek nila dito.
(╥_╥)
Nagdecide kami ni Byulkong na pumunta na lng sa isang park. Trip namin maglakad-lakad ngayon. Hihihi~
"Nandito na tayo, Yongkong."
"Byulkong... Ice cream."
Pumunta kami kay kuyang nagtitinda ng ice cream. Tapos naglakad-lakad na ulit kami. Dinala ko rin ung polaroid cam namin para mas madagdagan pa ung pictures namin together.
"I'll take a picture of you. Kunyari inaamoy mo ung bulaklak."
Binigay ko sa kanya ang polaroid at nag-pose. Palapit na ko kay Byulkong nang may batang babae akong matunggo. Nahawakan ko naman siya agad kaya hindi siya tumumba. Hhmm... Siguro nasa 3 years old na siya.
"Hala. Sorry, baby. Okay ka lng?"
Ngumiti naman siya at tumango.
"Ilan taon ka na?"
Itinaas niya naman ang tatlong daliri niya. Tama ako. 3 years old nga siya!
"Looks like the kid likes you, Yongkong. Hello. Ako si Ate Moonbyul. Nasan mama mo?"
Niyakap naman ako bigla nung bata.
"Mommy." sambit niya.
Hinarap ko siya at nginitian. Ang cute cute niya. Parang ako siya nung bata ako... Hihihi~ Chubby cheeks din siya.
"Ako si Ate Solar. Nasan ba ang mama mo, baby?"
Nanatili lng siyang nakatingin samin at hindi sinagot ang tanong ko. Nagkatinginan kami ni Byulkong dahil sa ginawa ng bata.
"Anong name mo?"
"Sky."
"Ang cute naman ng bag mo, hello kitty. Anong laman ng bag mo?" nakangiting tanong ni Byulkong.
Hinubad ng bata ang bag niya at binuksan sa harap namin. Nakita namin ang mga laruan niya... May mga damit din pero ang nakaagaw ng atensyon namin ay ung brown envelope na may nakalagay na "Pakibasa po ito." Kinuha ko yun at binuksan. Isang sulat ang laman ng envelope. Binuksan ko yun at binasa.
Mwoya... Andwae...
Moonbyul's POV
Kinuha ni Yongkong ung brown envelope at binasa ung sulat na nasa loob. Binigyan ko naman ng ice cream ung bata. She looks like Yongkong nung bata pa siya. May dimple din siya. Tinignan ko si Yongkong dahil hindi na siya nagsalita. Tinignan niya naman ako nang malungkot.
"Anong nakalagay?"
Ibinigay niya sakin ung sulat. What the... I can't believe this.
Sa kung sino man ang makakabasa nito,
Kayo ng bahala sa anak ko. Hindi ko na kayang ibigay ang mga pangangailangan niya. Ito na lng ang tanging paraan para maisalba ko siya. Sana ay alagaan nyo siyang mabuti. Salamat.
"Eo-eotteoke? Anong... Gagawin natin?"
"Wait, Yongkong. Gutom ka na ba, baby?" tanong ko sa bata.
Tumango naman ung bata.
"Pakainin na muna natin siya tsaka tayo mag-usap."
"Okay."
"Tara, baby."
Binuhat ko na si Sky at bumalik na kami sa kotse. Hayst. Hindi ako makapaniwalang iniwan siya dito sa park. Paano kung iba ang makakuha sa kanya? Mapanganib na sa panahon ngayon...
Shall we adopt you, Sky?
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...