Author's note: (Video above)
Eto naman ung version ng In My Room na nasa pitch ni WheeIn. [Moomoolicious po ung gumawa]-----------------------------------
Yongsun's POV
Time checked: 2:44pm
"San ba tayo pupunta, Byulkong?"
Ang sabi niya kase ngayon daw namin gagawin ung pang-apat niyang wish.
"Paradise. *chuckle*"
"May swimming pool po ba sa pupuntahan natin, mama?" tanong ni Sky kay Byulkong.
"Hhhmm... Yes."
"Yeheeeyy! Can I swim there mommy?"
"We'll see later baby. Baka kase mamaya malalim yun."
"But I know how to swim mommy."
"In one condition Sky..."
"Ano po yun, mama?"
"Take a nap. Maaga tayong nagising kanina kaya matulog ka muna. We'll wake you up pag nandon na tayo and I'll let you swim."
"Okay po, mama~"
Sumandal sakin si Sky at pumikit. Masunuring bata.
*******
"We're here." sabi ni Byulkong at bumukas ang gate ng bahay na nasa harap namin. Ipinasok niya ung kotse at pinark sa loob. Kaninong bahay ba to?
"Kaninong bahay to, Byulkong?"
"Secret... *chuckle* Sky... Wake up, baby. Dalhae..."
Dahan-dahang umupo si Sky at kinusot ang mga mata niya. Tumingin siya samin at ngumiti.
"Mags-swimming na po tayo, mama?"
"Yup. Kaya tara na, baba na tayo."
Pagpasok namin sa loob ay may tatlong katulong na sumalubong sa amin. Nag-bow sila at nagpakilala isa-isa.
"Magandang hapon po, Boss and Ma'am Solar. Ako po si Remi at ang pinakabata sa aming tatlo."
"Magandang hapon po. Ako po si Lily at kapatid ko po si Remi."
"Magandang hapon po. Ako po si Manang Linda."
"A-ah... Hehehe. Hello po. Ako po si Solar. Yongsun na lng po itawag nyo sakin. Eto po si Dalhae---anak po namin ni Byul. Nice to meet you po."
Nag-bow kaming dalawa ni Sky matapos magpakilala.
"Masaya po kaming nakilala na namin kayo ng personal. Ihahanda lng po namin ung meryenda nyo." Nagpaalam na sina Manang Linda at umalis. Umupo kaming tatlo sa sofa.
Kinurot ko sa tagiliran si Byulkong. Wala man lng akong alam kung nasaan ba kami, kung kaninong bahay to at kung anong ginagawa namin dito.
"Ano bang ginagawa natin dito? Kanino ba tong bahay na to? Bat tayo andito?" bulong ko sa kanya.
"This is my fourth wish. Ang magkaroon at mag-move sa sarili nating bahay... This is ours."
'This is ours.'
'This is ours.'
'This is ours.'
'This is ours.'S-sa amin?
"S-sa a-atin?!"
"Sa atin na to. *chuckle* Bahay na natin to. We'll move here before our wedding."
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...