1 ½ month later...
February 16, 20**
Moonbyul's POV
Lahat sila ay bumalik na sa Korea, one week after nung nangyari kay Yongkong. Naayos na rin ni WheeIn ang lahat. Kinausap niya ang papa niya na ayaw niya ng ituloy ang arranged-marriage. Naging sila rin ni Hyejin. Pero hanggang ngayon... Hindi pa rin nagigising si Yongkong. Sa tuwing binibisita ko siya, kinakantahan ko siya... Kinukwentuhan ko rin siya at pinaparinggan ng music. Sabi ng doctor naririnig nya pa rin naman daw lahat kahit nasa state siya ng coma.
Hinihintay ko ngayon sina Hyejin at WheeIn dahil sabi nila pupunta daw sila ngayon.
Nandito ko ngayon sa labas ng ICU. Miss na miss na kita. Gising ka na dyan, Yongkong.
*rriiiinnnggg rriiinnnggg*
Wheepup calling...
"Byul unnie!"
"Nasan na kayo ni Hyejin?"
"Sa likod mo, unnie."
*end call*
Pagharap ko ay nakita ko na sila. Hayst. Yongkong gumising ka na. Nakakainggit sila oh. Wala akong kaholding hands. Nagkamustahan kami at niyakap nila ko parehas.
"Ang laki na ng pinayat mo, unnie." sambit ni Hyejin.
"*sigh* Nakakawalang gana lng kumain."
"Pagagalitan ka ni Yongsun unnie paggising niya. Lagot kaaaa!" banta ni WheeIn.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Kahit na gaano pa kahaba ang sermon niya at kahit gaano pa kalakas ang sigaw niya... Papakinggan ko pa rin siya---basta magising lng siya.
"Babawi naman ako pag nagising na siya. Tignan natin siya. Tara?"
Halos dalawang buwan na ang lumipas pero wala pa ring nag-iba---except sa pagpayat niya. Umupo kami sa bedside.
"Unnie. Di ka ba napapagod matulog? Andami ko ng ikukwento sayo kaya bumangon ka na dyan. Hinihintay ka na ni Byul unnie." malungkot na sabi ni Hyejin.
"Unnie, you promised. Sabi mo di mo iiwan si Byul unnie... You said we'll spend more time para makapagbonding ulit tayo. Sabi mo tuturuan mo kong magluto. Miss ka na namin. Wake up, unnie."
Nakangiti si WheeIn habang nagsasalita pero at the same time ay umiiyak din siya.
"Yongkooonngg~ Wake up. Miss na miss na kita. Wala ng naglalambing at nangungulit sakin. Wala na kong katabi matulog. Miss ko ng masahihin ung ulo mo hanggang sa makatulog ka. Miss ko na ung mga luto mo... Ung pagkaingay mo, ung tawa at ngiti mo... Ung... Ikaw. Miss na kita. Happy anniversary. Please... Wake up."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan.
"Gigising din siya, unnie." Lumipat si Hyejin sa tabi ko at pinat ang likod ko.
Bumukas bigla ang pinto kaya napatingin kami kung sino ung taong sumilip.
"Excuse me po, ma'am. Tapos na po ang visiting hours."
"Lalabas na rin kami. Just... Please give us a minute."
Lumabas naman ang nurse pagkatapos kong magsalita. Nagpaalam na rin si WheeIn at Hyejin kay Yongkong. Bago ako umalis ay hinalikan ko siya sa noo.
"I'll wait for you, baby."
Palabas na kami nina WheeIn nang may biglang nagsalita.
"Byul... Kong..."
Yongsun... Gising na siya. Gising na si Yongkong.
Yongsun's POV
"KYAAAAAAAHHH!"
Pagpasok ko sa itim na pinto ay nahulog ako sa isang butas. Natapos yun nang mapunta ako sa isang puting kwarto. Walang mga furnitures at mga gamit---wala ring pinto pero may nakita akong dalawang butas. Lalapit sana ko doon pero bigla itong naglabas ng usok. Usok na kulay puti. Unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko at paglabo ng paningin ko.
"I'll wait for you, baby."
Ang mga huling katagang narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.
***************************
Naramdaman ko ang lamig ng hangin na dumaan sa katawan ko. May mga naririnig din akong ingay. May mainit na bagay na dumampi sa noo ko. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko at nagtagumpay naman akong maigalaw ang daliri ko. Narinig ko ang isang pintong binuksan. Unti-unti akong dumilat at nagising dito sa isang puting kwarto. Ospital?
"Byul... Kong..." pagtawag ko dahil baka sakaling nariyan siya.
Hindi ako makadilat ng maayos dahil parang ang bigat masyado ng mga talukap ng mata ko. Narinig ko na lng na parang may nagkakagulo hanggang sa isang ilaw ang tumama sa mata ko.
"Yongsun? Ms. Yongsun? Naririnig mo ba ko? Kung naririnig mo ko, pwede ka bang kumurap?" mahinahong sabi ng isang boses.
Kumurap naman ako dahil narinig ko naman talaga siya. Nang masanay na ang mata ko sa ilaw ay tuluyan na kong dumilat. Ang unang bagay na tumambad sakin ay ang umiiyak na mukha ni Byulkong.
Wag ka ng umiyak. Gising na ko, Byulkong.
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...