CHAPTER 45 : PROPOSAL

168 14 0
                                    

Moonbyul's POV

"Pwede ba buwan?! Tigilan mo kakalakad mo dahil nahihilo na kami sayo." inis na sabi ni Seulgi.

Hindi kase ako mapakali. Kinakabahan ako... Oo nga, mahal ako ni Yongsun pero paano kung hindi siya pumayag? Paano kung di pa siya ready?

"Kinakabahan ako. Tangina."

"Chill unnie. Papayag yon." pagkalma ni Joy sakin.

*beep beep*

From: BM
Papunta na po kami, boss.

Pakiramdam ko lalabas na ung puso ko sa sobrang kaba. Aish. Woooh! Talon-talon muna para mawala ung kaba ko.

"Damn. Papunta na daw sila guys. Pumwesto na kayo."

Umalis na sila at nagtago. Nilapitan ako ni Oso at pinat ang balikat ko bago siya magtago.

"Kaya mo yan, dude."

"Salamat."

YongSun's POV

"Akala ko ba magi-island hopping tayo, WheeIn?"

"Oo nga, unnie. Pero may dadaanan muna tayo."

Kanina pa kase kami naglalakad papunta sa area kung saan medyo kaunting tao lng ang nandon.

Time checked: 5:58pm

Now playing: Beautiful (By:Bazzi)

May lumapit saking lalake at binigyan ako ng isang rose.

"Hala, ano to? Libre ba to? Baka mamaya singilin nyo ko ah?"

Tumawa naman sina Hyejin sa tabi ko.

"Libre po yan, ma'am."

Pagkatapos akong sagutin nung lalaki ay umalis na siya agad. Luh? Weird niya.

Napahinto kami sa paglalakad dahil andaming taong nagtipon sa harap namin at biglang sumayaw sa tugtog. Infairness, sabay-sabay sila. Ang galing nila sumayaw.

"WheeIn... Fiesta ba?"

"Parang ganon na nga unnie. *chuckle*"

Nang matapos na silang sumayaw ay may ibinigay na rose sakin si BM. Kulay bluuuee~

"Sundan nyo po ung mga arrow. Kunin nyo po ung mga blue roses na nakadikit don hanggang sa makarating po kayo sa dulo... Sa dulo nyo po malalaman kung ano yun."

"N-ngayon na?"

"Yes, unnie. Dali na. Dito lng kami sa likod mo." sagot ni Wendy.

"S-sige."

Nagsimula na kong maglakad para hanapin ung mga arrow. Hindi naman ako nahirapan maghanap. Nakakuha na ko ng limang blue roses. Kinuha ko rin tong bote na nakalagay sa tabi ng arrow. May papel sa loob eh. May note na nakalagay dito sa huling arrow kaya binasa ko yun.

"Just wait and you'll see kung para saan ang lahat ng to. Wag mo munang bubuksan ung bote. I love you."

Now playing: Marry Me (By: Jason Derulo)

Tatawagin ko sana sina WheeIn pero paglingon ko ay wala na sila. Kasabay ng pagplay ng tugtog ay ang labasan ng mga tao na sabay-sabay sumayaw.

I'll say
Will you marry her~

Hala. Iniba na ung kanta? Di ba ang lyrics non ay 'will you marry me'? Mali-mali ung lyrics ng pinapatugtog nila... Nubayan.

Now playing: Tagpuan (By: Moira dela Torre)

Nang matapos silang sumayaw ay nag-iba na ang tugtog at nagformation sila. Para silang wave na nahati sa gitna... Pag-usog naman nila ay nakita ko ang isang pamilyar na likod.

"B-byulkong?"

The Collision Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon