CHAPTER 69 : EXES

132 5 0
                                    

MOONBYUL'S POV

"Ako nga... Jungkook. This is my fiance---Kim YongSun."

What the fvck?! Ex ko lang naman sya---EX NA WALANG CLOSURE AT WALANG OFFICIAL GOODBYE. Ung tipong naglaho na lng na parang bula ang lahat.

Flashback...

Pinagbuksan ako ni Jungkook ng pinto ng kotse sya para lumabas na rin ako. Lumakad kami papunta sa gate.

*silence*

Ewan ko pero para kaming tanga dito na nagtititigan habang nakangiti.

"Ya! Its getting late. Papasok na ko. *chuckle*"

Akma ko ng bubuksan ang gate pero hinawakan nya ang isang kamay ko.

"W-wait, Noona."

"Yup?" nakangiti kong tanong. Parang... May mali. Hindi ko masabi pero parang may mali. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya nagtanong ulit ako.

"Jungkook, okay ka lng ba? Is there a problem?"

Mukha naman syang bumalik sa wisyo at ngumiti.

"Its n-nothing Noona. Namiss agad kita kahit di pa tayo nagkakahiwalay eh."

"Sus. Hahahaha mas cheesy pa rin ako sayo."

Tumawa naman sya sa sinabi ko pagkatapos ay niyakap ako.

"N-noona, sorry."

"W-wae?"

"Sa lahat. Sa lahat ng maling nagawa ko. Sa immaturity ko. Sorry."

Bumitiw ako sa pagkakayakap at ginulo ang buhok nya. I smiled.

"Okay lang yun. Wala naman perpektong tao at perpektong relasyon."

"Cge na, magpahinga ka na Noona. I'll go now."

I nodded in response but he held my head and kissed me on my forehead.

"I love you."

Pagkatapos non ay pumasok na ulit sya sa kotse. Bago umalis ay kumaway pa siya at kumindat sakin. Inintay kong maglaho sa paningin ko ang kotse nya bago ako tuluyang pumasok sa loob. Hays. Masaya talaga pag may jowa noh?

******

The next day....

*rrriiiinnnnggggg*

I woke up because of my alarm. Agad ko yung pinatay at tinignan kung may nagtext. Wala pang text si Jungkook? Ah, baka di pa gising. Makapagready na nga muna.

Fast forward...

6:00 pm na pero ni isang paramdam ni Jungkook ay wala pa rin akong natatanggap. Ilang beses ko na syang tinext pero wala pa ring reply. I tried to call him pero hindi siya reachable. Kinontact ko na rin ang mga magulang nya pero hindi nila alam kung nasan sya. Pati mga kaibigan nya tinawagan ko na rin pero wala rin. Nasan ka na ba Jungkook?

End of flashback...

Hindi ko inaakalang ung gabing yun na pala ung huli nyang pagpapakita sakin. Then now, makikita ko sya na may asawa at anak na. Its not that I haven't moved on yet. Nakamove on na ko. Pero syempre, medyo nakakasama pa rin ng loob ung pag iwan nya sa ere. I forgive but I don't forget. But on the other hand, I'm happy for him, dahil may pamilya na rin siya.

"N-noona. Ah, t-this is my wife and my s-son. Its nice to see you and nice meeting you Yongsun."

"M-magkakilala kayo?" tanong ni IU.

"Ah, ne. He's a close friend." tugon ko at ngumiti. Tinignan ko sk Jungkook at napangiti rin sya. Halata kasing gulat pa rin siya and awkward kaming dalawa.

"Uhm, mauuna na kami if you don't mind. May aasikasuhin pa kase kami eh."

Yeah, thanks Yongkong at nagyaya ka na umuwi.

"Sayang naman kung hindi kayo dito kakain." sabi ni IU.

"May next time pa naman. And by the way, punta kayo sa kasal namin next week. We'll just send the invitation." I said then smiled.

"Ah, thank you." Nagbow naman si Jungkook at ngumiti.

"Cge, mauuna na kami. Say goodbye to them Dalhae."

"Goodbye po Tita IU and Tito Jungkook. *bow* Bye Daeshim~"

Lumapit si Daeshim para yakapin si Dalhae.

"Bye Dalhae."

Nagbow na kami at lumabas. Kailangan pa naming maglipat ng iba pang gamit bukas.

The Collision Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon