YongSun's POV
Nagsuot kami ng lifevest dahil sasakay kami ngayon sa banana boat. Ang alam ko ay may speed boat na hihila non kaya kinakabahan ako dahil first time ko to. Tapos wala pa si Byulkong. Huhuhu.
(╥﹏╥)
"Unnie, relax."
"Kinakabahan ako. Na-try mo na ba to dati?" tanong ko kay WheeIn.
"Yup. Its reaaaalllyy fun."
Si WheeIn kase ung tipo ng taong game sa lahat eh. Mas gusto niya pa nga pag challenging or extreme ung activities. Di katulad ko... Ayoko sa mga ganon. Mahina ang loob ko.
Nahati kami sa dalawang batch. Nauna na sina Joy at puro tili ang naririnig namin. Kasama siya si Yeri, Wendy, BM at Kai. Ang mga kasama ko naman ay si Hyejin, WheeIn, Irene at Seulgi.
"Okay lng yan unnie. Gusto mo sa harap kita? Or likod?"
"S-sa likod mo na lng ako."
"WOOHH! ANG SAYA GUYS!" sigaw ni Yeri habang papalapit.
"Mahuhulog din kayo! Hahahaha!"
Mas lalo lng akong kinabahan sa sinabi ni Joy eh. Hinila ako ni WheeIn papunta sa banana boat. Ginuide naman kami ng mga kuya dito. Nakasakay na kaming lahat at nagsimula ng umandar ung speed boat na humihila samin. Syempre mabagal muna.
"Woooohh!" sigaw nina Seulgi.
Hanggang sa bumilis na nga.
"Kyaaaaahhh! Ang biiiiilliiiiiss!! Waaaaahh!"
"Hahahahaha! Ienjoy mo unnie!"
Hyejin's POV
I'm happy to see WheeIn and Yongsun unnie together. Mula pa kanina ay silang dalawa ang magkasama. Unti-unti na ngang bumabalik sa dati si WheeIn.
"Guys, kailangan muna naming bumalik ni Baechu sa hotel. Masama ang pakiramdam niya eh."
Umoo naman kami at bumalik na sila sa hotel. Well, hindi naman totoo yun. Tutulungan lng nila si Byul unnie magset up kaya sila umalis.
"Nagtext si papa sakin. May aasikasuhin lng kami." paalam ni Joy at sinama si Yeri at Kai.
"Hala... Ang busy naman nila." malungkot na sabi ni Yong unnie.
"Hayaan mo na sila, unnie. Sama kami ni BM sa inyo." masayang sabi ni Wendy.
"So, tara? Spa tayo?"
Naunang maglakad sina YongSun unnie at WheeIn.
"Ang saya makitang close na ulit sila noh?"
"You sounded like their mom, Wendy. *laugh*"
"Hay nako. Masaya lng ako dahil okay na lahat."
"Paniguradong masaya din si Boss." singit ni BM.
"Gusto mo ba... Tulungan kita kay WheeIn?" taning ni Wendy.
"H-Huh?"
"Huuu! Kunyari pa."
Tumawa na lng ako sa sinabi ni Wnedy. Masaya na kaming lahat ulit... Sa wakas... Sana tuloy-tuloy na tong happiness na nararanasan namin.
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...