(Photo Above)
Ung tingin talaga ni Solar sa WheeByul eh! HAHAHAHA. I smell something fisshhyyy~
-------------------------------Hyejin's POV
As usual, VIP room ang kinuha ni WheeIn. Nasa second floor kami ngayon at hinihintay ung order namin.
Tinignan ko si WheeIn na may kinakalikot sa phone niya. May tatawagan yata siya.
"Hello... Tignan mo isa-isa ung mga waitress diyan sa baba. Kapag may nakita kang 'Solar' o 'YongSun' ang pangalan, bantayan mo. And, get her phone. Dalin mo sakin dito sa VIP room #3.... I don't care just fvcking do it."
Pagkatapos non ay ibinaba niya ang tawag. Kung ano-ano nanamang gagawin niya.
"Bakit mo pinapakuha ung cellphone ni YongSun? That's a crime.".
"May kailangan lng akong gawin."
"Then, what? Ano nanaman ba yang pinaplano mo?"
She looked at me while smirking. *gulp* Ang hot niya tignan pag nakangisi. Plus ung dimple pa niya.
"Kailangan kong makita kung anong laman ng contacts niya... And especially, I need Byul's number."
"You're making things complicated. Can't you just stop----"
"I don't fvcking care about them."
Aish. Damn it. Napakatigas talaga ng ulo mo.
YongSun's POV
Medyo padami na ng padami ang mga taong dumadating kaya kanina pa kami nags-serve ni Byulkong.
Mamayang 11 pa ang labas namin. Kinuha ko ang phone ko para tignan kung sino ang nagtext.
*Beep beep*
From: 4438
TM Rewards: May naipon kang 0.20 point/s. Ang 2.1 ng iyong points mula 2018 ay maaari lamang gamitin hanggang 03/31/2019. I-download ang Globe Rewards app via http://glbe.co/GRewardsApp para sa mga items na pwedeng i-redeem at para sa mga partner stores kung saan pwedeng gamitin ang points as cash.Psh. Langkwenta.
"Solar, pakidala to sa table 48. Eto naman sa table 36." tawag sakin ni Rose.
Ibinaba ko muna ang phone ko at hinatid ang mga orders.
We still have a long way to go.
Third Person's POV
Maraming bodyguard ang nagbabantay kay WheeIn. Karamihan sa mga ito ay hindi niya kilala. Makikita niya na lng sila kung saan-saan. Ang palatandaan ng mga bodyguard na pinadala ng papa niya ang ang mga suot nilang black diamond earrings.
Kapag nakakita sina WheeIn at Hyejin ng lalaking may suot ng ganon, alam na nilang tauhan yun ng papa ni WheeIn. Matapos makatanggap ng tawag ang isa sa kanyang mga bodyguards, agad na naglibot ang lalake sa loob ng bar.
Nagmamasid at tinitignan ang bawat name tag ng mga waitress na dumadaan. May natanaw siyang waitress na malapit sa front bar. Hanggang balikat ang buhok nitong kulay pink.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita niya itong naglabas ng cellphone na tila ba may binabasang text. Tinawag ito ng isa niyang kasamahan kaya naibaba niya ang cellphone niya sa may front bar. Nawala naman sa isip ng babae ang cellphone niya at naghatid na ng mga orders. Nakasalubong ito ng lalake at nakita ang name tag nito.
Solar.
Matapos niyang makita ang nametag ng babae ay pumunta siya sa front bar kung saan nakalapag ang cellphone. Umorder siya ng alak para di mahalata at dahan-dahang binulsa ang cellphone. Pagkatapos makuha ang cellphone ay umakyat na ang lalake sa second floor---patungo sa VIP room #3.
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...