CHAPTER 25 : WORK WORK WORK WORK WORK

235 13 0
                                    

YongSun's POV

Maaga kaming gumising ni Byulkong para gawin ang morning routines namin. Ngayon kase ang araw na maghahanap kami ng trabaho. Nakakaexcite! Hihihi.

Pag-uwi namin ay may pinakilala samin kahapon si Seulgi na isa niya pang tauhan. 'Kai' ung pangalan. Pinsan pala niya si BM. Siya ung magbabantay sa kanila tapos si BM naman ung magbabantay samin.

Huminto kami at pumasok sa nadaanan naming café. Di lng pala siya café, may bar din pala sila.

"Excuse me, miss. Hiring po kayo ng waitress? Dalawa po kaming mag-aapply." dinig kong sabi ni Byul doon sa may cashier.

Si ate gurl naman kinikilig. Kung makangiti at makatingin... Nandito ko sa harapan mo oy! Napairap na lng ako sa pagpapabebe niyang di naman bagay sa kanya. Tsh.

(Savage Yeba. Lol.)

"Ah, oo. Wait lng. Tatawagin ko ung manager namin." Halatang-halata ang pagpapabebe niya habang nagsasalita. Kala mo naman type ka ni Byulkong. Like, duh! *hairflip*

After a few minutes ay bumalik na si pabebeng ate gurl. Kasama niyang lumabas ang isang babaeng mga kasingtangkad lng din ni Byulkong. Infairness, maganda siya. Pero mas maganda ko kaya 👌.

"Hello, I'm Kim Taeyon. I'm the manager and owner of this Avien's Café and Bar. Let's proceed to my office, please."

Ngumiti siya at ginuide kami papunta sa office niya. Heol... Ang ganda dito. Café ung nasa unahan then, bar ung dito sa likod. Ung office niya ang ganda din. Sobrang organized ng mga gamit sa loob at makikita mong favorite niya ang color gray.

"Take a seat. So, parehas kayong nag-aapply?"

"Opo." sabay naming sagot.

"Ah... Eto po ung resume namin."

Inabot ko na sa kanya ung envelope na hawak namin. Tinignan niya ito agad. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Byulkong ang kamay ko.

"Wag kang kabahan. I'm here." she whispered. I let out a sigh and smiled at her.

"Mas matanda pala kayo sakin? *chuckle*"

Well, I can say she's nice. Palangiti siya at ang professional niya magsalita.

"Mind if I ask Ma'am Taeyon, how old are you?" Tanong ni Byul.

"24 pa lng. Wag nyo na ko tawaging 'Ma'am Taeyon'. Taeyon na lng... Unnies. Hahahaha!"

Natawa naman kami sa sinabi niya. Mas matanda nga talaga kami ni Byul ng two years.

"Sa bar kayo parehas unnies, okay? Doon kase kami nangangailangan ng staff e."

"Kelan kami magsisimula, Ma'am Taeyon---este T-Taeyon?"

"Mamayang gabi kung okay lng sa inyo?"

"Ah, oo naman."

"Then, its settled. Welcome to Avien's Café and Bar, Moonbyul and YongSun unnie."

Nagshake hands naman kaming tatlo.

"Solar na lng. Thank you."

"Byul na lng. Thank you for accepting us, Taeyon."

"Masaya nga ko dahil sa wakas... May mga unnies na rin ako dito. Karamihan kase ng staffs dito ay mas matanda ako. Glad you're both here. Ito-tour ko muna kayo dito sa bar. Tara, unnies."

Pagkatapos ng pag-tour samin ni Taeyon at kaunting pagkukwentuhan ay umuwi na rin kami. May mapagkakaabalahan na din ako. Hihihi. At hindi lng yon... Kasama ko pa si Byulkong.

~\(≧▽≦)/~

First day of work namin mamaya. Ansayaaa~  New experiences means new memories. ❤




The Collision Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon