Seulgi's POV
Hinihintay namin ngayon ni Baechu sina Joy. Tutulungan kase namin si Byul sa set up na gagawin niya para mamaya.
"Seugi unnie! Irene unnie!"
"Nagtanong si Yongsun?"
"Hindi. Sinabi ko nagtext si papa."
"Sige, tara na."
Nagpunta na kami nina Joy sa location kung san gaganapin ung proposal. Nandito pa rin naman sa loob ng island na to pero medyo malayo dito sa mataong area. Pagdating namin ay nakita namin si Byul na kausap ung mga sasayaw.
"Buwan!"
"Yown! Nakadating din. Anong ginagawa ni Yongkong? Kinulit ba kayo?"
"Hindi naman, unnie. Nag-spa sila nina WheeIn unnie." sagot ni Yeri.
"Ano po gagawin namin mamaya, boss?" tanong ni Kai.
Ipinaliwanag na samin ni Buwan ung gagawin namin. Kinabit na rin namin ung mga props na gagamitin mamaya and nacontact na rin ung mga tutugtog.
Paniguradong magugustuhan ni Yongsun ang hinanda niya.
YongSun's POV
Nagpapa-massage kami ngayon ni WheeIn. Sina Hyejin naman ay nasa labas, nagpapa-manicure.
"Unnie..."
"Hhhmm?"
"Thank you."
"Saan?"
"Sa pagpapatawad mo sakin. Sa pagbibigay ng isa pang chance na maging kaibigan/dongsaeng nyo ni Byul unnie. Alam kong madami akong nagawang hindi maganda sa inyo para sirain kayo pero pinatawad mo pa rin ako. Despite of my attitude, nandyan pa rin kayo. Thank you, unnie."
Hindi ko rin maitatangging madaming ginawa si WheeIn para sirain kami gaya ng paghalik niya kay Byulkong... Ung mga pagbabanta niya dati sa text nung nililigawan pa lng ako ni Byul. Ung pina-stalk niya ko... Basta. Marami pa. Pero okay na kami ngayon. Past is past. Ang mahalaga ay kung ano ung kalagayan namin ngayon.
"Sino ba naman ako para hindi magpatawad, diba? Tsaka... Past is past. Alam ko namang pinagsisihan mo na ung mga yun."
*****************************
"Anong oras na guys?"
"12:45 na, unnie." sagot ni Hyejin.
"Antagal pala natin don sa Spa."
Inabot na pala kami ng tanghali. Hayst. Kaya pala nagugutom na ko.
"Wanna eat, unnie?"
Tumango naman ako sa tanong ni WheeIn. Dahil nga gutom na ko, bumalik na muna kami sa hotel at kumain na muna bago pa tuluyang masira ang mood ko.
"Ma'am Solar, magbihis po kayo pagkatapos natin kumain. May pupuntahan po tayo." sabi ni BM.
"Saan tayo pupunta?"
"Ah..."
Tumingin naman sakin si BM dahil hindi niya alam ang isasagot niya. Magsasalita na sana ko pero naunahan ako ni WheeIn.
"Island hopping, unnie." sagot ni WheeIn.
Nice one, WheeIn.
"Ah, okay."
Wendy's POV
Natapos na kaming kumain after 12345678910 years. Sinamahan na namin ni WheeIn si Solar unnie sa kwarto niya na magbihis. Sina Hyejin at BM naman ay nagchikahan sa baba. Kunyari pa si Hyejin kay WheeIn eh. Huuuuu!
"Unnie, ano ba isusuot mo?"
Kakalabas niya lng ng bathroom habang nakasuot ng robe. Naghahalungkat siya ngayon ng damit niya sa maleta.
"Hhhmmm... One piece?"
Lumapit kami ni WheeIn sa kanya para tignan kung ano pa ba ang mga damit niya. Kami muna ang stylist niya ngayong araw. Mwahahaha!
"Unnie, how about this?"
Naglapag siya ng black maong shorts, sports bra at see-through cardigan sa kama. Ang ganda talaga ng fashion taste ni WheeIn.
"Unnie, yan na lng pinili ni WheeIn."
"Baka pagalitan ako ni Byulkong?"
"Di yan, unnie. Kami bahala ni Wendy."
"Sige. Sabi niyo yan ah!"
Pumasok ulit siya sa banyo para magpalit ng damit. Pagpasok niya ay nag-apir naman kami ni WheeIn.
Emeged. Third wheel na third wheel na nga ko tapos isasampal pa ulit sakin mamaya na third wheel ako. Hayst. Okay lng atleast, no boyfriend = no problem. Charot lng.
"Huy WheeIn."
"Oh?"
"Kayo na ba ni Hyejin?"
Ngumiti naman siya at sumagot.
"Hindi pa."
"Hindi... 'Pa'? Huuuu! Don't me."
Feel ko talaga may something keme sa pagitan nila eh!
"Promise, friends nga lng. Nasa process of moving on pa ko. I don't wanna make her my rebound."
Lumapit naman ako sa kanya at pinat ang likod niya.
"Okay lng yan. Makakamove on ka rin... Pag kayo kinasal ni Hyejin, ninang ako ah? Hahahaha!"
"Kasal agad?! *chuckle*"
Bumukas ang pinto ng CR at lumabas na si Yongsun unnie. Wow~ Partida wala pa siyang work out sa lagay na yan?
"Ayos lng ba? Parang antaba ko."
"Perfect, unnie! Maglalaway sayo si Byul unnie."
Natawa naman kaming dalawa sa sinabi ni WheeIn.
"So, tara na?"
"Ne. Kaja."
--------------------------------
Dahil bored si ako, nakagawa ako ng memes kahit konti. Hehehehez.
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...