CHAPTER 54 : PARENTS

171 12 2
                                    

Yongsun's POV

*tok tok tok*

Nandito na sila. Binuksan ko na ang pinto para papasukin sila. Bubunutin ko muna ung rice cooker---

"Unnie... Bakit may bata dito?"

"Sino siya, unnie?" tanong nina Hyejin.

"M-Magiging a-anak namin ni Byulkong? Hehehehe."

"HUH?!"

"Kumain na kayo dito. Ipapaliwanag ko sa inyo."

Umupo na kami sa mesa para kumain. Natutulog pa rin si Sky hanggang ngayon.

"Kaya ko pinacancel ung flight natin, dahil sa kanya... *sigh* She's Sky. 3 years old pa lng siya."

Nginitian ko si Byulkong at dinugtungan ang sinabi niya.

"Habang pumapasyal kami kanina sa park, accidentally ko siyang natunggo. Tinanong namin siya kung nasan ung mama niya pero niyakap niya lng ako at sinabing 'mommy'. Tinanong ni Byulkong kung ano ung laman ng bag niya kaya pinakita niya samin. Mga laruan, damit at isang brown envelope ang laman non. *sigh* At eto ung nakalagay sa loob ng envelope."

Inabot ko sa kanilang dalawa ung brown envelope. Kumunot naman ang noo nila habang nagbabasa. Bahagya rin silang nagulat. Syempre lahat naman siguro tayo magugulat kapag nakakita ka ng batang hindi niya alam na iniwan na pala siya ng nanay niya, di ba... Hindi pa rin nagsisink in sakin ung nangyari.

"You're going to adopt that kid?" tanong ni WheeIn.

"Yes? Hindi ko pa alam. Tinitignan pa namin ung mga papeles kung meron ba. Pero syempre... Gusto namin."

*riiiinnnggg riiiinnnggg*

"Sasagutin ko lng to."

Tinanguan ko naman siya kaya lumabas na siya para sagutin ung tumatawag sa kanya.

"Mommy?"

Nagising na si Sky at tumakbo papalapit sakin. Ngumiti siya at niyakap ako. Tumingin siya kina WheeIn at ngumiti.

"Mommy. Sino po sila?"

"Ah... Eto si Tita WheeIn. Eto naman si Tita Hyejin."

"H-Hello po." bati ni Sky at bahagyang kumaway.

"Hi. I'm Tita WheeIn."

"May dimple din po kayo? Hihihi~ Parehas po tayo."

Lumapit siya kay WheeIn at ngumiti. Ang cute. Pinisil naman ni WheeIn ung pisnge ni Sky.

"Hello. I'm Tita Hyejin."

Nag-bow si Sky sa kanilang dalawa at tsaka bumalik sa tabi ko.

"Unnie, parang ikaw." sabi ni Hyejin.

"Bait." komento ni WheeIn.

"Kain ka na rin, Sky."

Dahil hindi pa ganon kasanay magkutsara't tinidor si Sky ay sinubuan ko muna siya. Napansin ko naman na natahimik bigla ung dalawa.

"Oh? Tahimik nyo yata?" natatawa kong tanong.

"Bagay pala sayo maging nanay, unnie." nakangiting sabi ni Hyejin.

"Mommy Solar?" natatawang sabi ni WheeIn.

"Ganda ko namang nanay."

Kunyari silang umubo at inirapan ako sa sinabi ko. Bakit? Nagsasabi lng naman ako ng totoo eh.

Moonbyul's POV

*riiiinnnggg riiiinnnggg*

Wendy calling...

"Sasagutin ko lng to."

Tumango naman si Yongkong kaya lumabas na ko para sagutin ung tumatawag.

"Uy unnie."

"Ano ng balita?"

"Wala, unnie. Ni isang info wala akong nakita."

"So, you mean... Wala pa siyang birth certificate? Pwede ko siyang... Isunod sa surname ko?"

"Yes unnie."

"Bakit ganon? Bakit walang birth certificate? Hindi ba kapag nanganak meron na dapat ung bata non?"

Hindi ba ganon yun? Pagkatapos mo manganak ay itatanong sa inyo kung ano ba ung gusto niyong ipangalan sa baby nyo tapos aasikasuhin nyo na ung mga papeles? Pero bakit ni isang info wala...

"Nagresearch na ko dyan, unnie. Alam mo... Hindi lahat ng babae ay nanganganak sa ospital. Meron ding nga nangangak sa bahay. Example ay ung mga nakatira sa mga lugar na malayo sa ospital. Ung mga malalayong baryo... Kapag manganganak na sila, tatawag sila ng matanda na sanay magpaanak. Ang tawag nila don ay kumadrona. Siguro ganon ang nangyari sa case na to kaya wala siyang birth certificate. Tsaka isa pang pwedeng factor ay baka itinatago siya ng magulang niya. Teka... Bakit mo ba pinagawa sakin to, unnie? Hay nako. Sabihin mo na kase."

"M-mag... Mag-aampon kami ni Yongkong. Isasama namin siya pagbalik diyan sa Korea."

"Omo! Di nga?! Oh my ghaaad! Sasabihin ko to kina Seulgi unnie."

"Teka--teka... So, pwede nga yun? Na isama namin siya sa Korea? Hindi ba kami makakasuhan ng kidnapping?"

"Nope. Wala naman siyang papeles so, pwede niyo siyang iregister bilang anak nyo. Tsaka... Asan ba parents niya? Hala. Don't tell me na inabandona yang bata?!"

"*sigh* Yes. Nakita namin siya sa park kanina."

"Kelan ba kayo uuwi dito, unnie?"

Kelan nga ba... Pinacancel ko kase ung flight namin dapat bukas eh. Wait, anong date na ba... Hhmmm... 19?

"Sa 21."

"Sige unnie. Salubungin namin kayo sa airport. Ingats kayo. Excited na ko makita ung bata. Kasingcute ko siguro siya noh?"

"Kamukha niya si Yongkong. *chuckle*"

"Ay, talo na ko dyan. Hahahaha!"

"Sige na. Kakausapin muna namin sina WheeIn. Thank you sa tulong mo, Wendy."

"Welcome, unnie. Unnie, baka naman may mga oppa dyan? Hehehe. Uwian mo naman ako kahit isa."

"Sige pag may nakita ko. Hahahahaha! Luka ka talaga. Thank you ulit. Bye."

*end call*

Inabutan ko si Yongkong na sinusubuan si Sky. Gising na pala siya.

"Gising na pala ang baby~"

"Mama."

Lumapit siya sakin at yumakap.

"Enjoy na enjoy ang pagiging nanay ah." sabi ni Hyejin.

"Dream come true ba---MAMA BYUL?" pang-aasar ni WheeIn.

"Mga baliw."

"Sino ung tumawag?" tanong ni Yongkong.

"Si Wendy. Sabi niya, wala daw siyang nakitang info about kay Sky. As in wala--kahit isa wala."

"So, that means?" sabay na tanong ni WheeIn at Hyejin.

Hinawakan ko ang kamay ni Yongkong at ngumiti.

"Magiging parents na kami ni Yongkong."

The Collision Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon