CHAPTER 18 : PAST

272 14 0
                                    

Moonbyul's POV

"Dahil ipinangako niya sa sarili niya yon. Dahil ayaw niyang maranasan ng iba ang nangyari sa kanya."

"W-what are you talking about? Anong..." naguguluhan pa rin si YongSun habang nakatingin sakin.

*sigh*

FLASHBACK...

Nagugutom nanaman ako. Psh. Wala ng pagkain sa condo ko except sa noodles kaya no choice, bibili muna ko.

Naglalakad ako ngayon papunta sa Savemore.

"Tulong---"

Napatingin ako sa direksyon kung saan may impit na sumigaw. Nahagip ng mata ko ang isang paang nakaladkad papunta sa isang eskinita kaya tahimik kong sinundan yun.

"Hindi mo to pagsisisihan, babe."

"Please... *sobs* Wag."

"Shut up."

"Wag... Taehyung *sobs* please. Wag..."

Pagsilip ko ay nakita ko ang isang medyo matangkad na lalaki na hinahalikan ang isang babaeng umiiyak. Nakahanap ako ng kahoy sa tabi kaya lumapit ako at hinampas ko sa likod ung lalaki.

"ARAY!"

Hinila ko ang babae at ipinunta sa likod ko. Hinampas ko ulit siya at sinipa ang ano niya para siguradong hindi na siya makatayo.

"Putangina. Pagbabayaran mo to, gago. Hindi pa tayo tapos WheeIn!"

Hinila ko ung babae para tumakbo pabalik sa condo ko.

"Miss, okay na. You're safe."

"T-thank you."

Nanatili siyang umiiyak at nakayakap sa akin. I patted her back to comfort her.

"Tara. Kumain ka muna."

Sumakay na kami sa elevator at pumunta sa unit ko. Pinaupo ko muna siya sa kama ko.

"Wait here. Magluluto lng ako saglit."

Pagkatapos kong mailuto ang noodles ay pinakain ko na siya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumitig sa kanya. She's... Cute. I want a younger sister like her.

"Pasensya na. Naubos ung stocks ko kaya noodles na lng ang meron ako."

"O-Okay lng.T-thank y-you for saving m-me." nahihiya niyang sabi.

"Ano bang nangyare?"

"H-he's my b-boyfriend. S-sabi niya magde-date daw k-kami kaya n-nakipagkita ako... P-pero hindi ko n-naman a-alam na..."

Hindi niya na naituloy ung kwento 'cause her voice cracked. Umiiyak nanaman siya.
Niyakap ko siya at kinomfort. Maya-maya'y kumalma na siya.

"Do you have friends na pwedeng sunduin ka dito?"

"Y-yes. I t-texted her."

"Okay. I'm Moonbyul Yi. You are?"

"WheeIn. Jung WheeIn." she answered and smiled.

Cuuuttee. May dimple siya.

"May dimple ka?!"

"Uh... Yes."

"Can I touch it?"

Imbes na sumagot ay kinuha niya ang kamay ko. She smiled and put my hands on her dimple.

"You're so cute. Sana may kapatid akong tulad mo."

"I don't have siblings. You can treat me as your sibling."

"Wow. Thank you."

"Thank you ulit. Sa susunod, ako naman ang tutulong. Hindi ako magdadalawang-isip na tulungan ung isang taong nalagay sa parehong sitwasyon na naranasan ko."

"That's nice."

"Hindi ko hahayaang maranasan nila ung naranasan ko."

I patted her head then, she smiled.

END OF FLASHBACK...

"S-so... Kaya ako iniligtas ni WheeIn dahil don?"

Tumango naman ako kay YongSun.

"Grabe naman pala ung naranasan si WheeIn." komento ni oso.

"May itinatago pa rin talaga siyang kabaitan." nakangiting sabi ni Irene.

"And I'm thankful for that. Kung hindi siya dumating, malamang na-rape na ako."

Hinarap ko si Yongkong at hinalikan.

"Habang nandito ko, walang pwedeng manakit sayo."

The Collision Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon