(PHOTO ABOVE)
Author's note:
May nagpost lng ng fan art na yan sa fb. Ang cute kaya sinave ko. Credits to the owner.-----------------------------
Now playing: Backwoods (Mamamoo cover)
Moonbyul's POV
"G-gising n-na siya..."
Tinawag agad ni Hyejin ang doctor. Mabilis akong lumapit kay Yongkong. Dumidilat siya ng paunti-unti. Lumapit ang doctor kay Yongkong at gumamit ng medical pen light.
"Yongsun? Ms. Yongsun? Naririnig mo ba ko? Kung naririnig mo ko, pwede ka bang kumurap?"
Kasabay ng pagkurap niya ay ang pagpatak ng mga luha niya. Thank you, Lord. Sabi na nga ba't hindi mo ko iiwan, Yongkong.
"Congratulations Miss Moonbyul. Pwede na siyang madischarge bukas."
"Thank you, doc. Pwede po ba siyang... Magpahangin sa labas?"
"Ah, yes. Magpapadala na lng ako ng wheelchair dito. I have to go. Please excuse me."
Lumapit na rin si WheeIn at Hyejin kay Yongkong. Gusto ko muna siyang titigan. Sobrang saya ko dahil nangyari na rin ang pinakahinihintay ko. Nagising na rin ang taong mahal ko. Itinaas niya ang kamay niya at pinunasan ang mga luha ko.
"Wae? Gising na ko. Wag ka ng umiyak."
"I'm just happy."
"Unnie..."
"WheeIn... Hyejin..."
Niyakap naman siya nina WheeIn.
"Excuse po ma'am. Eto na po ung wheelchair."
"Labas muna tayo, Yongkong."
Tinulungan naman kami ng nurse na iupo si Yongkong sa wheelchair. Dahil sa tagal ng pagkakacoma niya, medyo nahihirapan siya maglakad.
"Tara na, WheeIn... Hyejin."
"Sige lng unnie. Moment nyo muna yan. Bibili muna kaming pagkain ni Wheepup." sagot ni Hyejin.
"Sigurado kayo ayaw nyo sumama?"
"Just go, unnie. *chuckle* Alam kong namiss mong landiin si Yongsun unnie."
Tumawa naman ako sa sinabi ni WheeIn. Savage. Sabagay, tama naman siya. Nagpaalam na sila samin tapos ay lumabas na kami ni Yong. Pumunta kami sa garden ng ospital at doon nagpahangin.
"I miss you, Byulkong."
"I miss you too."
Pumunta ako sa harap niya. I pinched her cheeks and kissed her.
"Namiss ko to..." I said in between kisses. Naramdaman ko namang ngumisi siya. She broke off and giggled.
"PDA. *laugh* Sa bahay na lng."
"Sabi mo yan ah!"
Tumawa naman kami parehas. Nakahanap ako nh bench kaya umupo muna ako.
"Pumayat ka." She said in a worried tone.
"Ikaw din pumayat. You have to gain weight, okay?"
"Ani. WE have to gain weight. Dapat pati ikaw para parehas tayong healthy."
"Pero may isang bagay na hindi nagbago sayo, Yongkong. *chuckle*"
"Mwo?"
Lumapit naman ako sa kanya at bumulong.
"Your chubby cheeks."
Nakatanggap naman ako ng hampas sa kanya. I just laughed at her reaction. Ang sarap niya asarin. Ang cute cute niya.
"Nakakainis ka."
"Maganda ka pa rin naman eh."
Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Tsaka ko siya tinadtad ng kiss.
"Ganyan mo ko ka-miss?"
"Mas higit pa dito. I love you, asawa ko."
I immediately hugged her.
"I love you too... Hubby Byulkong."
Yongsun's POV
Pagkatapos namin magpahangin ni Byulkong ay nagpunta kaming cafeteria dahil nandon na daw sina WheeIn. Masaya din akong nagising na ko. Parang wala pa nga yatang isang araw ung nangyari sakin doon sa pagbalik ko sa nakaraan pero halos dalawang buwan na pala kong walang malay... Nakita ko rin ang pagpayat ni Byulkong. Hayst. Kailangan tumaba ulit siya.
"Unnie, kumain na kayo."
Hihihi~ Daming foods.
(´∀`)♡
Habang kumakain ako ay nilagyan ni Byulkong ng isa pang fried chicken ung plato ko. Ginulo niya naman ang buhok ko at ngumiti.
"Kumain ka ng marami."
"Ikaw din. Hindi lng ako ung pumayat noh. Ikaw din kaya."
"Yongsun unnie, may isusumbong ako sayo."
Kumunot ang noo ni Byulkong at sinamaan ng tingin si WheeIn. Tinignan ko naman siya pero nginitian nya lng ako. Ung tipo ng ngiting kinakabahan.
"Sige, sabihin mo na WheeIn."
"We caught someone smoking. Someone returned her bad habit... Again. Pero nahinto na yun ngayong nagising ka na ulit." paliwanag ni WheeIn.
*sigh*
Bago kami magkakilala ni Byulkong ay naninigarilyo siya. Pero nung sinimulan niya kong ligawan, tinigil niya na yon. Kusa siyang tumigil.
"Sorry..." Tinitigan ko siya pero nakayuko lng siya. Niyakap ko siya nang mahigpit.
"Gusto mo bang ibalik ung habit mo na yan?"
"Aniyo... G-Ginawa ko lng naman yun kase baka sakaling mabawasan ng stress."
"Sorry. Dahil sakin kaya ka nagkakaganyan..."
Hinarap niya ko at tinignan sa mata.
"Wala kang kasalanan. Pasaway lng talaga ko kaya ko ginawa yun. Sorry, baby."
I kissed her on her cheek and patted her back.
"Gwenchana... *sigh* Wag ka lng magpapahuli sakin."
"Sorry na po. Di ko na po uulitin. Promise."
Para naman siyang batang nagtaas ng kanang kamay para magpromise. Inapiran ko naman siya at natawa siya sa ginawa ko.
"Silly."
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...