Moonbyul's POV
Nakauwi na rin kami ni Yongsun dito sa apartment at sinamahan kami ni WheeIn at Hyejin. Tinutulungan ko ngayon sina WheeIn at Hyejin na magluto.
"Gusto ko rin magluto."
Lumakad si Yongkong papunta samin kaya hinarang ko siya.
"Bawal nga. Magpahinga ka muna dyan."
Inupo ko muna siya sa sofa bed. Sinamaan niya ko ng tingin. Cute.
"Okay na nga ako eh."
"Chill ka lng muna. Sige, bukas pwede ka na magluto."
"Promise?"
"Promise."
"Unnie, kain na."
Pumunta na kami sa mesa para kumain. Tuwang-tuwa naman si Yongkong dahil maraming pagkain. Kimchi friend rice, samgyetang, carbonara, fried chicken, jokbal...
"Kelan kayo babalik ng Korea, Hyejin?" tanong ni Yongkong.
"Hindi pa namin alam ni Wheepup, unnie."
"Sabay na lng kaya kayo samin?"
Tumingin naman silang tatlo sakin.
"Babalik na tayong Korea?" excited na tanong ni Yongkong.
"Yes, baby. Magpapakasal pa tayo."
Ngumiti naman ako at pinisil ang ilong niya. Narinig ko namang umubo si WheeIn.
"Ung mga *ehem* langgam. Easy lng."
"Gusto mo ganyanin din kita?" tanong ni Hyejin.
Nagkatinginan naman kami ni Yong sa gulat at sabay na sumigaw.
"Oooooowwww!"
Kitang-kita naman ang pagb-blush niya. Nanatili lng siyang nakatingin sa pagkain niya. Tumawa naman si Hyejin at pinat ang ulo niya.
"So... Kelan tayo babalik sa Korea?"
"The day after tomorrow?"
Tinignan ko naman sina WheeIn kung payag ba sila at tumango naman sila.
"Then, its settled."
"Ako ng bahala sa tickets." sabi ni Hyejin.
"Bukas na lng tayo mag-impake."
"Tsaka sulitin na natin ung last day bukas. Solo-solo muna." natatawang sabi ni WheeIn.
"Sige. *chuckle* Tatawagan ko na lng kayo."
Things got a lot better now. Pagbalik namin sa Korea ay sisimulan na naming pagplanuhan ang kasal. Magiging Mrs. Yi ka na rin sa wakas, Yongkong.
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...