YongSun's POV
Nagising ako sa isang kwarto. Makikita mo agad na mahilig sa pink ang taong may-ari nito. Tumayo ako at pinagmasdan ang kabuuan nito. Pamilyar tong kwarto na to ah... Nahagip ng mata ko ang isang litrato sa bedside kaya lumapit ako para makita ko yun. Isang picture ng isang batang babaeng nasa mga 5 years old na nakasakay sa swing at nakatawa. Kitang-kita sa mukha ng bata na sobrang saya niya. Ang taba-taba rin ng pisnge niya. Bakit... Bakit ako nandito sa kwarto ko nung bata ako?
*tok tok*
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang dalawang pamilyar na tao. Niyakap nila ako at nginitian.
"P-papa? M-mama?"
"Kami nga, anak." sagot ni papa.
"Bakit po ako nandito? Nasaan po si Byul?"
Naguguluhan ako. Bakit ako bumalik sa nakaraan? Bakit ba ko nandito? Nasan na si Byulkong? Napakadami kong gustong itanong pero niisa ay hindi nila sinagot. Nginingitian lng nila ko sa twing magtatanong ako.
"Kumain ka pa, Yong. Magpakabusog ka." masayang sabi ni mama.
Nang matapos na kong kumain ay bumalik kami sa kwarto ko. Ang weird nito.
"Ma, asan po ba ko? Nasan po tayo? Si Byulkong po asan?"
"Nasa kabilang mundo siya, nak."
"A-anong kabilang mundo, ma? Bakit? Ano po bang nangyari?"
"Ipikit mo ang mata mo at makikita mo."
Sinunod ko naman ang sinabi ni papa. Pagpikit ko ay nagflashback ang lahat ng nangyari. Nag-propose sakin si Byulkong at dumating si Minhyuk. Nakita ko ang sarili kong nabaril at nawalan ng malay. Dumilat ako nang makita ko ang sarili ko sa loob ng ICU.
"Nakita mo na?"
Tumango ako sa tanong ni mama.
"Pero pano po ako napunta dito mama? Paano po ako makakabalik kay Byulkong?"
"Mamili ka sa dalawang pinto na yan."
Itinuro niya naman ang dalawang pinto. Ang isa'y kulay black at ang isa naman ay kulay white.
"Nakasalalay sa pintong pipiliin mo kung babalik ka ba sa katawan mo o hindi na." sagot ni papa.
"Paano po kung mali ung mapili ko?"
"Mananatili ka na dito habangbuhay."
"Mag-ingat ka sa pagpili, Yongsun."
Wala man lng silang clue na ibinigay sakin. Lumakad na ko papunta sa harap ng dalawang pinto. Gusto kong pumasok sa puting pintuan pero may kung anong humihitak sakin papunta sa itim na pintuan. Ewan ko ba pero may urge na nagtutulak sakin doon. Para bang ang lakas ng magnet non. Pumwesto na ko sa harap ng itim na pintuan.
Di ba sinabi ko sayong hindi kita iiwan, Byulkong? Maghintay ka pa ng kaunti... Babalikan kita.
BINABASA MO ANG
The Collision Of Two Worlds
FanfictionWhat will happen if two different worlds collide? What if this collision causes trouble? Will you be able to fight against it until the end? Please support and vote my story. Enjoy reading! (Gaya ng pag-eenjoy niyang saktan ako. Charot!) Date start...