CHAPTER 73 : WEDDING DAY

161 8 0
                                    

Yongsun's POV

This is the daaaayy~ Hihihi kinakabahan ako and excited at the same time. Nandito kami ngayon sa bahay nina Irene at kasalukuyan na akong inaayusan. Si Byulkong kase ay kina WheeIn natulog kasama si Sky.

"Waaahh~ Unnie ang ganda moooo~" excited na sabi ni Yeri.

"Thank you *chuckle*." tugon ko.

Hindi ko maexpress ung excitement ko. Hihi magiging misis na rin ako at bubuo na talaga kami ng sariling pamilya. Sana hindi ako madapa mamaya habang lumalakad ako. Sana hindi ako epic fail mamaya---HAHAHAHA.

Time checked... 10:30 am

"Ma'am, suot na po natin ung gown nyo." Ngumiti naman ako at tumayo. Kasama ko si Irene sa pagbibihis. So... This is it Yongsun.

Moonbyul's POV

Wah~ Ito pala ung pakiramdam ng ikakasal na. Pakiramdam ko ang daming paru-paro sa tyan ko. Matapos akong ayusan ay sinuot ko na ang puting suit ko at muling tumingin sa salamin.

"Mama!" tawag ni Sky mula sa likuran ko.

"Nakapag-cr na kayo nina tita WheeIn?" Sky nodded at my question. I cupped her cheeks and kissed her.

"Ang cute cute naman ng baby namin." I pinched her cheeks. Gaya ng color theme sa kasal namin, combination ng pink and blue ung suot nyang gown.

"Shall we go?" nakangiting tanong sakin ni Hyejin.

"Yeah. Kaja."

THIRD PERSON'S POV

Kumpleto na ang lahat kaya nagsimula na ang kasal. Unang pumasok ang mga bride's maid na sina Joy, Yeri, Wendy, IU ñ.at iba pa nilang mga kakilala. Sumunod naman ay ang mga best man na sina Seulgi, Jungkook, BM at iba pa nilang mga kaibigan. Sunod ay ang flower girl na si Yeri at ang ring bearer na si Sky. Marami silang bisita dahil malaki ang circle of friends nila at maraming mga kakilalang businessman at investors na kilala ang papa ni Moonbyul na malapit sa kanila. Naroon din ang mga magulang ni Hyejin at maging si Sec. Jane man ay naroon din. Naroon din ang mga parents ni Seulgi. Huling pumasok ay si Moonbyul. Nakasuot sya ng puting suit na may itim na panloob at itim na necktie. Naka-neat ponytail din sya. Lumakad na sa aisle si Moonbyul. Nang makarating sa dulo ay hindi maalis ang ngiti nya sa kanyang mga labi dahil ilang sandali na lang ay papasok na si Yongsun.

After a few moments, unti unting nagbukas ang pinto ng simbahan. They knew that Yongsun was really beautiful but still, they are amazed and mesmerized by her beauty right now.

(Playing: Stay with me - Chanyeol and Punch)

"Waaah~ Jinja yeppeuda~"
"Ang ganda ni Solar."

Palakpakan at ganitong bulungan ng mga tao ang maririnig mo sa loob. Nakalugay ang buhok nya and she's wearing a tiara. Bumagay sa kanya ang rainbow colored wedding gown nya. Maluha luha siyang tinitigan ni Moonbyul. Habang lumalakad si Moonbyul papalapit kay Yongsun ay may machine siyang kasabay sa taas. Ang machine na yon ang may hawak ng veil na isusuot kay Yongsun. Nang makalapit na si Byul ay eksaktong hinulog ang veil sa ulo ni Yongsun. Nagpalakpakan at nagsigawan muli ang lahat nang malagay na ang veil.

(https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1120968758076732&id=100004908541291) Yan po ung link sa may veil part kung nahihirapan kayo mag-imagine.

Inoffer na ni Moonbyul ang braso nya kay Yongsun habang nagpupunas ng kanyang luha. Sabay na silang lumakad sa aisle.

"You're so gorgeous Yongkong." bulong ni Moonbyul.

The Collision Of Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon