CHAPTER FIVE

816 35 40
                                    

CHAPTER FIVE

NAIILING na lang si Austin habang nakatingin sa taong nakahiga sa sofa nila. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa lalaki. Pero aaminin niya sa mga oras na nagdaan ay sobra siyang naaasar. Apat na oras na rin mula nang makita niya ito sa daan at sa tuwing naaalala niya ang mga nangyari kanina ay hindi niya maiwasan ang mas lalong maasar at mabwisit.

Pagkatapos niyang maalis ang tulog na si Theo sa pagkakayakap sa binti niya, dahan-dahan siyang umalis sa tabi nito. Wala siyang balak na tulungan ang lalaki kahit lasing ito. Bahala na ito sa sariling buhay. Some will think that he was heartless for not minding the poor guy but he doesn't care. Theo was not his concern after accusing him that he was a thief. Dagdagan pa na naaasar siya sa pagmumukha nito. Ewan niya talaga kung bakit ganoon na lang ka-ill ang feelings niya rito. Pakiramdam niya kasi si Theo ang tipo ng tao na hinding-hindi niya makakasundo. Both of them are poles apart. Feeling niya kapag nagsama silang dalawa magka-clash lang sila palagi. Batayan na rin siguro ang naririnig niya mula sa ibang estudyante lalo na sa kababaihan na pa-fall ang lalaki. Maraming nagkakagusto dito dahil na rin sa kasikatan at sinasamantala naman nito iyon. Kabi-kabilaan ang pinapiyak nitong babae. Feel na feel ang kagwapuhan. Hindi sa pagmamalaki ngunit masasabi ni Austin na hindi nalalayo ang kagwapuhan niya rito. May dimples siya sa magkabilang pisngi. Moreno at matangkad. Sabi ng iba pamatay din daw ang ngiti niya. Nahuhuli lang siya dahil hindi naman siya masyadong nag-aayos. Hindi naman kasi siya vain na kabaliktaran naman ng lalaking iiwan niya. Maputi rin naman si Theo. Mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada. Palaging nakaayos ang wavy nitong buhok at base sa naamoy niya kanina ay mabango sa kabila ng alak na humahalo sa amoy nito. Maporma din ito at laging on-trend ang mga suot.

Medyo malayo na siya rito nang biglang sumigaw ang lalaki na ikinapikit ng mata niya.

"Magnanakaw! Ibalik mo sa akin ang mga gamit ko!"

Kasabay ng pagsigaw nito ay siya namang paglabas ng taong pakay niya sa bahay nito.

"Anong nangyayari dyan, Austin? Sino ang sumisigaw?" Tanong nito.

Lihim na lang siyang napamura. Kahit hindi siya tumingin alam niya na palapit na sa kanila si Mang Karding, mahirap man aminin isa ito sa taong kilala niya na usisyero. Mahilig makitanong sa mga bagay-bagay na nakakakuha ng atensyon nito.

"Magnanakaw! Ibalik mo ang mga gamit ko!" Muling sigaw ni Theo sa lasing na boses.

Kung sinsuswerte ka nga naman talaga. Bulong na lang niya.

"Totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'to, Austin? Na ninakaw mo ang mga gamit niya?"

Hindi naman dapat pero hindi maiwasan ni Austin na makadama ng hiya. Nang humarap siya kay Mang Karding, makikita sa mukha nito ang kuryusidad. Walang pambibintang sa uri ng tingin na binibigay sa kanya.

"Siyempre hindi 'yon totoo, Mang Karding. Nakita ko lang siya na nakahiga dito tapos ako ang napagbintangan na kumuha ng cellphone at wallet niya."

"Bakit nang makita kita parang palayo ka na sa kanya?"

"Dahil hindi ko naman po siya kilala." Sagot niya. Besides he wasn't my concern. Aniya sa isip. Kung kaedaran niya lang si Mang Karding baka sinabi na niya ang mga iyon.

"Kahit hindi mo siya kilala dapat tulungan mo bilang concern citizen. Nanakawan na nga iiwan mo pa." Panenermon nito.

"Pasensya na po, Mang Karding, hindi ko naman po kasi kilala 'yan saka malay po natin masama ang ugali niyan. Baka modus niya lang."

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon