AUTHOR' NOTE
I'm back. Dapat kanina pa ako maga-update pero hinintay ko muna na malowbat ang isa ko pang gadget. Iba po kasi ang ginagamit ko para rito. Kaya pasensya na.
But anyways, I'm hoping for a positive response for this chapter. Sana po matuwa kayo kahit papaano. 😊😊😊
Enjoy guys. ☺☺☺
PS: Ang messy ng pagkakalagay ng asul ba tinta sa kanang hintuturo ko. Kumalat talaga siya. Hahahaha.. (share lang po. 😆😆😆)
CHAPTER SIXTEEN
"MAMA, ang mamahal mag-renta ng studio type apartment tapos ang papangit naman ng style." Reklamo ni Austin habang nakaagapay sa kanyang ina maglakad. Kagagaling pa lang nila sa mga nakahilerang studio type apartment na malapit sa school nila. Tatlo na ang tiningnan nila at pare-parehong mahal iyon. Mas doble pa ang presyo sa tuition fee niya. Mali. Nasa triple pa yata.
Napahinto ang mama niya. Tiningnan siya. "Walang kaso kung mahal, Austin. May pera ako at kahit papaano binibigyan tayo ng Kuya Ansley mo. Ikaw lang talaga ang problema, lahat ng pinuntahan natin ayaw mo."
Totoo ang sinabi nito. Sa tatlong pinuntahan nila puro reklamo ang kanyang bukambibig. Alam niyang naririndi ang ina sa karereklamo niya. Tiyak niya na sesermunan siya nito ngayon na sila na lang ang magkasama.
"Masyado kasing mahal, mama. Dapat po kasi 'wag na. Sinabi ko naman po kasi sa inyo na kaya ko naman na uwian kahit late pa."
"Paulit-ulit na lang tayo. Alam mo ang opinyon ko sa bagay na 'yan. Sumunod ka na lang sa akin. Pwede ba?"
"Marami po tayong bayarin. Alam niyo naman na malapit na mag-OJT si Kuya Ashe. Si Ate naman ang thesis niya kailangan pagtuunan ng pansin."
"'Wag mo na kasing alalahanin 'yon, Austin, anak. Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa inyo, sa 'yo."
Sa sinabi nito hindi niya maiwasan ang ma-touch. His mother was really the best. If he will be given another life he still choose her as his mother. Walang makakapantay dito.
"Mama, gusto ko lang naman po na mabawasan ang alalahanin niyo."
"Bakit sa tingin mo sa ginagawa mo mababawasan 'yon? Mas lalo lang akong mag-aalala sa 'yo kung palagi kang uuwi ng late dahil dyan sa pageant na 'yan."
"'Wag na lang po kaya akong sumali."
Nagulat ito sa sinabi niya. "Ano ang sinasabi mo? Minsan ka lang sumali sa ganoon, Austin. Kahit papaano gusto kong ma-experience mo ang mga bagay na nae-experience ng karaniwan na estudyante. Sasali ka pa rin doon."
"Pero naman kasi, 'ma. Gusto ko talagang makatulong." Giit niya.
"Ang kulit mo lang," anito. Ginulo ang buhok niya. Fondness was visibly shown in the way she looks at him. "Natutuwa ako na nag-aalala ka sa akin. Na hindi puro sarili mo lang ang iniisip mo. Pero gusto kong gawin 'to. Hayaan mo na ako."
Bumuntung-hininga siya. "Sige po. Papayag na ako. Pero sa boarding house na lang po. Doon na lang tayo maghanap."
"Anong boarding house ang sinasabi mo? Wala kang privacy kung doon ka. Ayoko. Kaya nga tayo maghahanap ng matutuluyan mo para maginhawaan ka."
"Kung sa karinderya niyo na lang po kaya."
"Mas lalong ayoko." Sagot nito. Nandidilat ang mata. "Tigilan na nga natin ang pag-uusap na 'to. Paulit-ulit lang tayo. Ang isipin mo na lang para sa ikabubuti mo ang ginagawa ko."
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomanceA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...