CHAPTER FIFTEENPAGKATAPOS ng halos trenta minutos sa daan ay nakarating na sila sa lokasyon ng titingnan nilang apartment na dalawa. Kakababa pa lang nila ng kotse at ito nga ang mas mabilis maglakad. Nahuhuli siyang maglakad dito. Hindi naman ito nagmamadali pero parang may hinahabol. Siya naman sa kabilang banda ay prente lamang na nakasunod dito. Mas gusto pa niyang kalikutin ang bagong cellphone niya. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay ayaw na niya sa mga nangyayari. Ang totoo excited din siya. May tiwala nga lang siya sa mama niya sa pagpili nito ng apartment na titirahan niya in the near future.
"Bilisan mo ang paglalakad mo, Theo. Baka naghihintay na sa akin ang kumare ko." Anito. Ang sinasabi nitong kumare ay ang agent slash house manager ng two bedroom apartment na titingnan nila.
"Hintay lang. May ginagawa pa ako." Sagot niya rito sa halip na magmadali.
Huminto ang mama niya saka kinuha ang cellphone sa kanya.
"Mama, may ginagawa ako." Reklamo niya.
"Mamaya mo na gawin ang gusto mong gawin sa cellphone mo. Parang ngayon ka lang nagkaroon nito. Masyado kang excited. Pagtuunan muna natin ng pansin ang apartment na titirahan mo."
"Kayo na ang bahala dyan. Alam niyo naman na ang gusto ko."
Pinandilatan siya nito. "Ano pa at isinama kita? Anong silbi mo?"
Napasimangot siya sa sinabi nito. "Sige na. Ano ba ang gagawin ko?"
"Just follow me. Tingnan mo na rin kung maayos para sa 'yo ang titingnan natin na apartment. Don't rely on me too much. Malaki ka na. Hindi ka na bata." Panenermon nito na mas lalo niyang ikinasimangot.
"'Wag niyo na nga akong sermunan. Puntahan na natin ang sinasabi niyong kumare niyo. Pero bago 'yon ibalik niyo na muna sa akin ang cellphone ko."
"Mamaya na. Kapag tapos na tayo sa agenda natin." Sagot nito saka nilagay ang cellphone sa shoulder bag nito.
All he can do is to comply. As usual wala naman na siyang magagawa. Inilibot niya ang tingin sa kinaroroonan nila para lang magulat. Hindi na niya napansin kung saan silang lugar ng mama niya kanina dahil nga sa kaabalahan niya sa cellphone niya. Ang lugar na kinaroroonan nila ay ang parehong lugar kung saan malapit ang studio-type apartment na tinutuluyan ni Devin.
Dumoble tuloy ang excitement niya. "Magaganda ba ang apartment dito?" Tanong niya sa mama niya kahit alam naman na niya ang sagot. Ilang beses na rin kasi siyang pumunta dito, partikular sa apartment ni Devin. So far, nagustuhan niya ang tinutuluyan ng kaibigan. And knowing that Devin can be his neighbor make him happy. Atleast may kilala siya. At alam niya na hindi siya nito papakialaman kahit na anong gawin niya. Kahit nga yata magdala siya ng babae dito wala itong pakialam.
"Oo. Studio type apartment ang karamihan dito. May isang kwarto lang. Pero sabi ng kumare ko may iilan din daw na dalawa ang kwarto katulad ng hinahanap mo. For me, this place looks ideal. Marami rin ang nakatira na mga estudyanteng nag-aaral sa school mo."
"Okay na po dito sa akin. Nasaan na po ba ang kumare niyo para makita na natin ang isa sa mga kwarto dito?"
"Hintay muna at tatawagan ko para makasigurado ako kung saan siya banda." Sagot nito. Lumayo ito pansamantala sa kanya para makausap ng maayos ang kumare.
Namulsa siya habang inililibot ang tingin. Marami nga siyang nakikitang mga ka-schoolmate niya na naglalakad sa street na kinaroroonan. Karamihan ay mga kababaihan. He can have a feast by just watching those lady students. May mga lalaki naman na estudyante pero hindi na niya pansin. Mas tutok siya sa opposite sex.

BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomansaA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...