AUTHOR'S NOTE
Nasa 3438 ang words ng chapter na ito. SKL. 😆😆😆
Anyway, may POV pala rito si babaeng kiri. Kaunti lang naman. Naisipan ko lang idagdag para may ano rin siya. 😆😆
Siyanga pala, nandito na ako nag-FF naman ng two years.
Sana magustuhan niyo ang chapter na itey.
CHAPTER SIXTY-EIGHT
MABILIS na lumipas ang mga araw. From days to weeks. Weeks to months then to years. Hindi namalayan ni Austin na aabot sa dalawang taon ang relasyon nila ni Theo. They were just like the other normal couple. Sa relasyon na mayroon sila hindi maiiwasan na magkaroon ng pagtatalo at hindi pagkakaunawaan ngunit hindi iyon naging kabawasan para mawala ang matibay na pundasyon ng pagsasama nila. Tiwala at pagmamahal. May tiwala sila sa isa't-isa at ang pagmamahal nila ay umaapaw. Sobrang saya na magkasama sila ni Theo sa ups and downs ng kanilang buhay bilang estudyante. Hindi lang sa larangan na iyon kundi pati sa pagiging freelance model nilang dalawa. Sa bawat pagsubok na dadaanan nila, nakaalalay sila sa isa't-isa. Naging sandigan nila ang bawat isa at sandalan sa mga pagsubok na dumarating. Wala pa naman silang mabigat pagsubok na pinagdadaanan sa relasyon nila at hinihiling niya na huwag nang dumating iyon.
Tungkol naman sa trabaho, part time model pa rin sila ni Theo ngunit may mga pagkakataon na inaalok sila ng De Vere's na maging exclusive model ng mga ito. Hindi lang ang kompanyang pinagtatrabahuan nila kundi pati ang ibang talent scount ng ibang agency. Ngunit sa kanilang dalawa ay si Theo ang nagkakaroon ng mas maraming offer. Wala namang kaso iyon sa kanya. Masaya pa nga siya na marami itong choices. Pero siyempre loyal sila sa De Vere's kaya doon lang sila.
Tungkol naman sa mga katrabaho nila. Sa tagal nila sa kompanya, masasabi niyang sobra na ang closeness niya sa mga katrabaho. Marami na rin silang team building na napuntahan kaya naging mas close siya sa mga ito lalo na kina Leighton at Lovelace. Masasabi na rin niyang close na siya kay Kyrion Jay kahit na bihira lang silang mag-usap. May pagkakataon kasi na nakausap niya ito at nasabi niya sa sarili na hindi naman pala ito katulad ng inaakala niya. Piling tao lang ang sinusungitan nito at ang mga taong hindi ginagawa ang trabaho ng mabuti. Nakasama na rin niya ito sa iilang projects na pinagseselosan ni Theo. Pero ina-assure naman niya sa nobyo na magkaibigan sila.
Speaking of projects, sa dami ng dumaan sa kanila, madalas si Sophia ang nagiging kapareha ni Theo. Kapansin-pansin din sa kanya ang biglaang pag-iiba ng pakikitungo ni Theo sa babae noon. Hindi na lang niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil hindi pa rin naman siya close kay Sophia. Ito lang talaga ang nag-iisang tao sa De Vere's na hindi niya magawang i-close. Kung dati ay manipis na harang ang nasa pagitan nila, pakiramdam niya mas dumoble iyon. Naging makapal na. Hindi na siya gumagawa ng effort na maging close sa babae dahil hindi naman kabawasan ito sa pagkatao niya. Pero aaminin niya na kapag si Theo at Sophia ang magkasama, kahit hindi na masyadong nagpapansinan, may parte sa kanya ang hindi maiwasang makadama ng selos. Ewan na lang niya. Binabalewala na lang niya ang ganoon na pakiramdam.
Sa araw na ito nasa building sila ng De Vere ni Theo, tinipon ang mga models, full time o part timer man, dahil sa mahalagang anunsyo ng kompanya. Nasa conference room sila na kayang mag-accomodate ng lampas isang daan na tao. Nasa sulok sila ni Theo kasama sina Leighton at Lovelace. Hindi pa niya nakikita si Kyrion Jay at Sophia pati ang baguhan na model na natsitsismis na may relasyon kay Jan De Vere.
"Ano ba ang pag-uusapan natin ngayon?" Narinig niyang tanong ni Leighton kay Lovelace.
"Hindi ko rin alam. May pa-sorprea pa kasing nalalaman ang mga potek. Nakakaloka sila! Inaantok pa ako." Banas na sagot ni Lovelace na napahikab pa.
BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
RomanceA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...