AUTHOR'S NOTE
Katatapos ko pa lang ng isang chapter kaya may update na naman ako. Pero kung pagbabasehan sa word count, mas maiksi ito. Kaya naman humihingi ako ng pasensya.
But anyways, I hope you like this particular chapter. Kasi ako kahit papaaano nagustuhan ko naman siya. Mas lamang ang pag-aaway at tingnan po natin kung mauuwi sa pisikalan. Hehehe..
Hope you enjoy this guys. Ipagdasal niyo rin na makatapos agad ako ng bagong chapter para mabilis ang pag-update ko. Hahaha...
CHAPTER TEN
"TATAWAGAN ko si Tere. Kakausapin ko siya na dito ka matutulog sa bahay ko."
Mula sa pagtingin sa labas bumaling siya kay Tita Sharmaine na nasa tabi na pala niya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito dahil abala siya sa pagtingin sa malakas na buhos ng ulan. Nasa balkonahe siya ng bahay nito at doon naghihintay para tumila ang ulan. Eksaktong katatapos pa lang nilang kumain kanina nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi naman siya nag-alala kanina sa pag-ulan dahil naisip niya na titila iyon. Pero sa lumipas na mga minuto parang mas lalong lumalakas.
"Hindi ko po dala ang cellphone ko. Iniwan ko sa bahay. Akala ko kasi hindi ako matatagalan dito."
"Pasensya ka na. Dahil sa akin stranded ka tuloy dito sa bahay. Hindi pa naman pwedeng mabasa ang art project mo."
"Kaya nga po."
Kanina sa kanya binigay ni Theo ang ginawa nitong art project. Siyempre ng binigay iyon sa kanya, wala man lang itong sinabi. Magpapasalamat sana siya pero iniwan siya kaagad.
Speaking of the art project, hindi niya maiwasan ang mamangha sa kabila ng pagkabwisit niya. Magaling at talentado talaga si Theo pagdating sa ganitong bagay. Oo, nakakamangha iyon dahil kuhang-kuha nito ang facial features niya. Ang nakakabwisit lang sa kanang bahagi ng mukha niya kung ano-ano ang nilagay nitong linya, nilagyan pa ng sungay na nagpamukha sa kanya na parang kampon ng kadiliman. Ang lips naman niya sa kanang bahagi ay mas pinalawig nito na mistulang naging dahilan para makahawig niya si Joker. Nilagyan nito ng kung anong uri ng vine na may tinik ang pisngi niya na nagmukhang garden. Ayos na sana kung hindi siya nito pinag-trip-an.
Ang kaliwang bahagi naman ay simple lang. Wala itong ginawang kabarubalan. Ayos na rin sa kanya kahit papaano dahil wala namang eksaktong theme ang contemporary art drawing na pinagawa sa kanila ng art professor nila. Basta lang maipakita ang pagiging artistic nila at bahala na daw sila. Kahit na ganoon ang ginawa ni Theo desidido siya na ipasa iyon. Wala naman kasi siyang choice at nagandahan talaga siya sa ginawa nito. Palibhasa kasi wala siyang talent pagdating sa ganoon na bagay kaya marunong siyang mag-appreciate ng ganoon. Mapa-simple o mapa-bongga man.
"Alam mo naman siguro ang cellphone number ng mama mo."
Tumango siya. "Opo. Alam ko po."
Binigay nito sa kanya ang cellphone nito. Kinuha naman niya iyon kaagad para mailagay ang numero ng ina doon. Nang matapos ibinalik niya iyon kay Tita Sharmaine.
"I call her. Pumasok ka muna sa bahay at lumalakas pa lalo ang ulan."
Sumunod siya sa sinabi nito.
Nang pumasok siya eksakto naman na palabas mula sa kusina si Theo. Base sa hitsura nito mukhang naghugas ito ng pinggan. Basa ang harapan ng damit nito at may bula pa sa buhok na basa rin. Mukhang ngayon lang ito gumawa ng ganoon na gawain dahil ang messy nitong tingnan.

BINABASA MO ANG
Dissonance of Two Hearts
عاطفيةA story of two contradicting hearts. Sa away-bati nagsimula hanggang sa naging magkaibigan, na mauuwi sa pag-iibigan. Pero ang malaking katanungan kung hanggang saan mapapanindigan ang pagmamahalan lalo na kung ang isa ay may agam-agam at hindi maiw...