CHAPTER FORTY

702 32 141
                                    


AUTHOR'S NOTE

Matagal na 'tong tengga sa notebook at minadali ko lang ang pagkopya. Kailangan ko nang mag-update kahit kaunti lang dahil sa inyo. Matagal din ang naging paghihintay niyo pati na ako.

For now, sana ma-enjoy niyo ang chapter na ito.
Enjoy po!!



CHAPTER FORTY




NAKATANGGAP ng mensahe mula kay Tita Sharmaine si Austin na nagsasabing makipagkita siya rito sa isang kilalang restaurant mamayang hapon. Ang nakapagtataka lang para sa kanya ay ang huling pangungusap ng mensahe nito na huwag niya raw sasabihin kay Theo na magkikita silang dalawa. It was kind of suspiscious to him but he just replied a simple 'okay'. Curios din naman kasi siya kung anong sasabihin nito kaya pupunta siya. Isa pa, mahirap din na tanggihan si Tita Sharmaine.

Naging abala sa buong kalahating araw si Austin hanggang sa umabot ang oras ng usapan nila ni Tita Sharmaine ma magkikita.

Nang makarating siya sa restaurant agad niyang nakita ang butihing ginang. Malawak na ngiti ang nasa labi nito nang makita siya.

"I'm glad you're here," anito nang makalapit siya. "Take a seat, Austin. Kumain ka na ba?"

Umupo muna siya sa upuan bago sumagot. "Pasensya na po, Tita at medyo na-late ako." Late siya ng lampas limang minuto mula sa oras na usapan nila.

"It's okay. Hindi naman ako naghintay ng matagal." Nakakaunawang sabi nito. "At isa pa, sanay na rin naman ako sa mga kliyenteng nale-late. Mas malala pa nga sila kaysa sa paghihintay ko sa 'yo," kwento nito. "Mag-order muna tayo ng pagkain bago natin pag-usapan ang pakay ko."

Tumango siya. "Sige po."

"So, kumusta naman ang pageant? Hindi ka ba nahihirapan?"

"Ayos naman po, Tita. I'm already used to the schedule kaya hindi na ako nahihirapan. Naka-adjust na po ako."

Tumango-tango ito. "I see. Mabuti naman. What about my son? Kumusta naman ang pakikitungo niya sa 'yo? Was he still a pain in the ass?" Sunod-sunod na tanong nito. Ulit.

May pag-aalangan siya sa pagsagot sa mga katanungan nito na may kinalaman tungkol kay Theo ngunit kailangan niyang sumagot. "Okay naman po ang pakikitungo sa akin ni Theo. Hindi naman po kami nagtatalo madalas na katulad ng nangyayari noon. Things between us was good."

"I'm glad to hear that. Talagang hindi ako nagkamali sa isipin na magiging mabuting impluwensya ka sa anak ko."

"But I'm not doing anything, Tita. Katulad pa rin ng dati si Theo. Saka hindi naman kailangan pang baguhin si Theo. Kahit naman po kasi papaano mabait siya."

"I know your point but having you on his side is already a good thing."

Kiming ngiti ang naging ganti niya sa sinabi nito. Ngunit napapailing siya sa loob niya. Maybe it was really a good thing to know something about Theo but knowing him better and deeper lead him from falling to him. The feeling was kinda good but the circumstances are not.

"Tommy told me that there was something between you and Theo, is it true?"

"Something?" Gagad niya. Walang ideya sa nais nitong sabihin.

"Well, nang magpunta kasi si Tommy sa inyo kahapon hindi raw kayo nagpapansinan na dalawa. Parang may ilang sa pagitan niyo. Care to tell me the reason why?"

He's enlighted but the same time was off guard with the question. He's not expecting it. Ang buong akala niya walang napansin si Kuya Tommy kahapon.

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon