CHAPTER ONE

7.8K 123 19
                                    

CHAPTER ONE

ISANG malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ni Austin habang nakamasid sa mga taong nasa paligid niya. Lahat ay nagkakasayahan sa muling pagkikita mula sa mahabang bakasyon. Samantalang siya sa isang tabi, malungkot at tila wala sa sarili dahil sa pansariling suliranin. Suliranin na ang puno't-dulo ay ang pagkabigo mula sa taong kanyang minamahal. Ang kanyang minamahal na hindi niya alam kung ano ang whereabout mula nang magdesisyon siyang alisin ito sa kanyang buhay. Hindi madali ngunit kakayanin niya. Alam niya na hindi maipagkakaila ang lungkot sa kanyang mukha.

Mula sa pagmamasid sa paligid, tumigil ang kanyang tingin sa isang tao na naging malaking bahagi ng buhay niya. It was Vienne. Halata ang lungkot sa mukha nito.

Alam ni Austin kung sino ang dahilan ng kalungkutan na iyon --ang lalaking minamahal nito-- na bigla na lamang umalis. Bigla? Sa totoo lang, hindi niya alam ang pinakabase ng istorya. Basta iyon ang naging bulungan ng mga taong may concern sa relasyon ng dalawa. Paanong hindi magkakaroon ng concern ang karamihan lalo na ang mga babae? Sikat na tao si Brax Garcia sa kanilang paaralan -- ang URS. Miyembro lang naman ang lalaki ng pamosong banda na tinitilian ng kababaihan pati mga kabadingan, kloseta o lantaran man, dahil sa mukha at angking kagalingan ng grupo sa pagtugtog. Pati nga yata mga kalalakihan na mahilig sa musika ay idolo o tamang sabihin na tinitingnan ang mga ito na ehemplo at may iba rin na kinaiinggitan. At miyembro rin sa bandang iyon ang taong minamahal niya...

Napabuntung-hininga siya.

Hindi lang alam ni Austin kung nabawasan ba ang taga-hanga ng grupo dahil sa pagkatalo ng mga ito sa nakaraan na Battle of the Bands ng mga school. Isang pagkatalo na hindi nila inaasahan. Hindi inaasahan ng URS. Sa magkakasunod na taon kasi ay laging naiuuwi ng The Gravity ang premyo para doon.

At heto na nga ang senaryo. Pagkatapos ng BotB ay bigla na lamang nawala si Brax. At naiwan nga si Vienne na nag-iisa. Gusto sana niya itong lapitan para i-cheer ngunit hindi naman niya magawa dahil hindi siya sanay na nakikita ito ng ganoon. At isa pa may sarili rin siyang suliranin. Pareho lang sila ng pinagdadaanan. Pareho? Mukhang malabo sila sa 'parehong' parte ng pinagdadaanan dahil hindi naman naging sila ng taong mahal niya. Hindi sila nagkaroon ng unawaan na tulad ng mayroon sina Brax at Vienne. They don't have the mutual feelings to each other. And now the love of his life resented him for doing things that he don't want to belong with. Ngunit hindi rin naman ito ang may tampo o galit dahil pareho lang naman sila. Pareho silang may pinaghuhugutan.

Nang magsawa sa kakatingin kay Vienne. Nagpasya siyang tumayo upang malapitan ito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo rito. Sa totoo lang, sobrang pag-aalala niya para rito --- silang dalawa ni Kelly ay nag-aalala sa pinapakita nito.

"Vienne," tawag niya sa pansin nito.

Mula sa pagtingin sa labas ng bintana, tumingin ito sa kanya. As usual, halata ang kalungkutan sa mukha.

"Kumusta ka na?" Tanong niya.

Iisipin ng iba na napaka-tanga ng tanong niya. Alam naman kasi niya ang pinagdadaanan nito subalit iyon pa rin ang itinanong niya. Wala naman kasi siyang maisip na sabihin. Bagay na laging ganoon. Matagal na niyang napapansin na kapag si Vienne ang kanyang kausap, madalas na hindi niya ito madaan sa seryosohan. Madalas sa pagbibiro niya naipaparating ang gustong sabihin ng puso na madalas naman nitong pinagtatawanan at nakikita bilang isang malaking biro. Pero noon iyon. He already moved on with Vienne totally. Hindi na ito ang espesyal na tao sa kanyang buhay.

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon