CHAPTER EIGHTY-ONE

1.5K 39 77
                                    


CHAPTER EIGHTY-ONE

KAHIT na nasuntok ni Devin walang pakialam doon si Theo. Hindi niya iniinda ang sakit kahit ilang araw na mula nang mangyari iyon. Kung gusto rin nitong itakwil siya bilang kaibigan wala siyang pakialam. Hindi ito kawalan. Magsama-sama pa ito pati ang pamilya niya na kahit walang kumpirmasyon ay mukhang itinakwil na siya. Ang tanging naiisip niya ngayon ay kung paano makakakuha ng ipinagbabawal na gamot. Wala na siyang pera. Hindi na siya pumapasok sa De Vere's dahil may nakaaway siya roon. Uminit ang ulo niya sa isang katrabaho dahil dikit nang dikit kay Sophia at nagbubulungan pa. Mukhang may pinagkakatuwaan palagi na hindi niya alam kung ano. At isa pa, ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Austin.

Ang savings niya sa bangko ay nagamit na niya lahat. Ang lahat ng mga kagamitan sa apartment ay naibenta na rin niya dahil sa pagkahulog doon. Hindi na siya mabubuhay na walang droga sa sistema niya. Ilang araw na rin ang huling gamit niya at gusto pa niya.

He was becoming restless. Hindi matatahimik ang sistema niya kung walang droga sa sistema niya.

Wala naman siyang makuha kay Sophia dahil pinagdadamutan siya ng babae dahil sa pag-aaway nila.  Hindi nga sila nakakapag-sex dahil ang kondisyon nito ay magkaroon muna siya ng pera at alamin niya kung ano ang kanyang mali. Tinitikis siya ng babae samantalang ito naman ang nagdala sa kanya sa ganitong sitwasyon.

Kinuha niya ang bote ng alak at tinungga ang laman niyon. Nang wala ng mainom ay padabog niyang tinapon iyon sa dingding na lumikha ng ingay at pagkabasag niyon. Kumalat sa sahig ang pira-pirasong bubog. Kahit alak wala na rin siya. Iyon na nga lang ang kapiling niya wala na rin.

Nang marinig ang mahihinang katok sa pinto, agad siyang nagtungo doon at binuksan iyon. Sumalubong sa kanya ang gwapong mukha ni Austin. Pinagmasdan siya nito na parang pinag-aaralan ang hitsura niya.

Seeing how neat and good looking Austin  made him aroused. Walang babala na hinawakan niya ito sa kwelyo at hinila papasok ng bahay. Sinara niya kaagad ang pintuan at isinandal ito roon.

May pagkabigla at takot sa mukha nito nang pagkatitigan niya.

"A-anong nangyayari sa 'yo, Theo?" Tanong nito na kahit pinapatatag ang boses ay hindi pa rin maipagkakaila ang takot.

"Shit happened to me. Bakit ka nandito? Gusto mo bang makipagbalikan sa akin? Gusto mo bang..."

"Gusto kitang tulungan, Theo." Pamamatlang nito sa kanya.

"Sa anong paraan mo ako matutulungan?" Tanong niya saka inilapit ang mukha sa mukha nito. Kahit na umatras ito, wala ring silbi iyon.

"A-ano ba ang ginagawa mo?"

"Gusto mo akong tulungan, hindi ba? I'm deprived sexually, Austin. Ilang araw na akong tigang dahil hindi ako pinagbibigyan ni Sophia. Matutulungan mo ba ako roon?" Tanong niya saka inilapit ang ilong sa leeg nito. He like his scent. It made him more aroused. Kahit noon pa ay ganito na ang epekto nito sa kanya. Idiniin niya ang gitnang parte ng katawan sa gitnang parte ng katawan nito.

"Hi-hindi ako pumunta rito para doon, Theo."

"Then what?" He asked then licked his neck that made Austin shivered with fear.

"A-ano ba, Theo? Wala ka sa tamang pag-iisip. Nakainom ka."

"Nakainom lang ako. Alam ko pa rin ang ginagawa ko."

Nang marahan niyang kagatin ang leeg nito, malakas na pagtulak ang iginanti nito. Nagulat siya sa ginawa nito. Masamang tingin ang ibinigay niya rito saka ito nilapitan.

Umatras ito.

"Hindi mo alam ang ginagawa at sinasabi mo. Kahit sabihin mo na hindi ka nakagamit, halata pa rin iyon sa mukha mo."

Dissonance of Two Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon